^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Hanggang kailan titiisin ang ginagawa ng China?

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Hanggang kailan titiisin ang ginagawa ng China?

Dalawang beses nang binobomba ng tubig ngayong buwan na ito ng China Coast Guard ang resupply boat ng Pilipinas. Ang una ay noong Marso 5, na bukod sa binomba ng tubig ay binangga pa ang resupply vessel at nasaktan ang isang military general at apat na iba pang pasahero. Nabasag ang windshield ng barko dahil sa pagbangga.

Ang ikalawang pag-water cannon ay noong Sabado ng umaga (Marso 23). Malapit na sa Ayungin Shoal ang Unaizah May 4 (UM4) nang bombahin ng tubig. Dahil sa lakas ng tubig, nabasag ang salamin ng supply boat. Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG) nagsagawa pa ng mapanganib na maniobra ang isang barko ng CCG at muntik nang mabangga ang UM4. Habang binobomba ng tubig ang UM4, ang escort nilang PCG vessel MRRV 4409 ay hinarang at pinalibutan ng isang CCG vessel at dalawang Chinese militia ships. Ganunman, naihatid pa rin ng UM4 ang supply sa mga sundalo sa BRP Sierra Madre.

Pero hindi ganito ang version ng China. Ang mga barko raw ng Pilipinas ang pumapasok sa kanilang teritoryo at nararapat lamang daw ang kanilang ginawang pagbomba ng tubig. Illegal daw ang pagpasok ng mga barko. Ayon sa spokesman ng CCG na si Gan Yu, gumagawa raw ng “irregular mission” ang mga barko. Nagdadala raw ito ng construction materials sa BRP Sierra Madre. Inakusahan ni Gan ang Pilipinas nang sapilitang pagpasok sa shoal sa kabila ng kanilang babala. Kaya raw gumawa sila nang hakbang para ito mapigilan—ang pagbomba ng tubig. Ginawa raw nila ito sa makatwiran at propesyunal na pamamaraan.

Ang Pilipinas pa ngayon ang illegal na pumapasok sa kanila raw teritoryo. Sa tuwing bobombahin nila ng tubig ang resupply boat ng Pilipinas, laging sinasabi ng China na may dalang construction materials ang barko. Matagal na nilang alibi ito. Pinaninindigan na nila ang kasinungalingan.

Hanggang kailan magtitiis sa ginagawang ito ng China? Hindi na umuubra ang pagsasampa ng diplomatic protest. Wala silang pinaniniwalaan. Dapat magpatupad na ng pagboykot sa mga produkto ng China. Sa paraang ito, mararamdaman ng China ang bagsik nang paglaban ng Pilipinas. Kung hindi ganito ang gagawin, magpapatuloy ang China sa gina­gawa nilang panggigipit sa Pilipinas. Magpakita na ng pangil.

vuukle comment

CHINA COAST GUARD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with