^

PSN Opinyon

Bigger benefits ng PhilHealth

AKSYON NGAYON - AL G. Pederoche - Pilipino Star Ngayon

Ang pinag-ibayong benepisyo ng PhilHealth ay handa nang mapakinabangan ng mga members. Ito ay sa ilalim ng kampanyang “Pinalawak at mga Bagong Benepisyo para sa Mamamayang Pilipino”.

Ang mga dagdag-pakinabang na ito ay mula sa 30 porsiyentong adjustment sa case rates na kamakailan ay ipinatupad upang maibsan ang epekto ng pagtaas sa halaga ng serbisyong medikal at gamot at medical procedures. Kahit pa ang nagngangalit na inflation ay hindi makahahadlang sa layunin ng PhilHealth na mabigyan ng world class me­dical care ang mga Filipino, mayaman man o mahirap. Iyan ang mithiin ng Universal Health Care Law ng pamahalaan.

Ang guidelines sa adjustment ay nailathala sa PhilHealth Circular 2024-0001 noong Enero 21, 2024. Laman nito ang mga alituntunin sa adjustment ng case rates. Nagkabisa ang bagong policy noong Pebrero 14 na saktong 29th anni­versary ng PhilHealth. Kung nais mabatid ang detalye nito, umugnay as www.philhealth.gov.ph/circulars.

Nakalista rin ang mga hindi saklaw sa adjustment tulad ng medical conditions na maaaring ituring na second case rate. Ito yung mga situwasyon na ang isang pasyente­ ay may iba pang karamdaman bukod sa primary diagnosis at nangangailangang ma-confine. Hindi na isasali sa 30 percent adjustment ang mga benefit package na ginawan na ng adjustment sa nakalipas na 5 taon gaya ng hemodialysis at iba pa.

Nais ding ianunsyo ng PhilHealth na ang Z benefit sa mga pasyenteng may breast cancer ay dinagdagan mula P100,000 na ginawang P1.4 milyon. Inilakip na rin ang mam­mogram at ultrasound sa Konsulta Package sa layuning matukoy­ nang maaga ang sakit at maagapan. Tamang-tama ang dag­dag-benepisyong ito lalo pa’t ipinagdiriwang ang Women’s Month. Sinisiguro ng ahensya na patuloy nitong palala­wakin­ at pagbubutihin ang serbisyo sa taumbayan alinsunod sa mandato ng Universal Health Care Law.

vuukle comment

PHILHEALTH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with