^

PSN Opinyon

QC maagang naghanda sa El Niño

QC ASENSO - Joy Belmonte - Pilipino Star Ngayon

Lubhang nakaaalarma ang balitang nararanasan na sa ilang bahagi ng bansa ang tinatawag na “strong and mature” El Niño. Katunayan, umabot na sa P1.31 bilyon ang pinsala ng El Niño sa sektor ng agrikultura.

Sa ating lungsod, maaga tayong nagsagawa ng mga pagkilos bilang paghahanda sa epekto ng El Niño para maprotektahan ang kalusugan at kabuhayan ng QCitizens.

Una rito ang muling pagbuhay sa QC Task Force El Niño noong Enero 2024, na pinamumunuan ni City Assistant Administrator for Operations Alberto Kimpo.

Agad naglabas ng direktiba sa mga kaukulang ahensiya ng lokal na pamahalaan upang mapagaan ang epekto ng El Niño, kabilang na ang paggamit ng treated wastewater na makakatulong para makatipid sa potable water.

Noong nakaraang taon, Quezon City ang kauna-unahang siyudad sa bansa na gumamit ng treated wastewater para sa paglilinis ng mga parke, public spaces, at bilang pandilig sa halaman.

Pinaigting na rin ng City Engineering Department ang paglalagay ng rainwater harvesting systems sa mas ma­raming pampublikong pasilidad tulad ng mga paaralan, ospital, at multi-purpose buildings.

Sa kasalukuyan, mayroon nang 119 rainwater harvesting­ systems sa mga pampublikong paaralan sa ating siyudad.

Puspusan din ang pagbabantay ng City Disaster Risk Reduction and Management Office sa kundisyon ng pa­nahon at pagtukoy ng water retention basins, habang na­tukoy na ng QC Fire District ang puwedeng pagkunan ng tubig sa siyudad kapag nagkaroon ng kakulangan sa supply tuwing may sunog.

Sinabayan ito ng pinalakas na information at education­ campaigns ukol sa pagtitipid ng tubig ng Climate Change and Environmental Sustainability Department (CCESD). Pagdating naman sa epekto ng El Niño sa urban farms, nakatuon naman dito ang ating Food Security Task Force (FSTF).

Bumili na rin ang CCESD ng water tankers para suportahan ang mga komunidad sa panahon ng tagtuyot, habang tuloy-tuloy ang pagkilos ng FSTF sa food rescue efforts para matugunan ang food insecurity.

Sa pagsasanib-puwersa at pagtutulungan ng lokal na pamahalaan, pribadong sektor at ng QCitizens, tiwala ako na malalampasan natin ang mga hamon na dulot ng El Niño.

vuukle comment

EL NIñO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with