Quiboloy makakalaboso
Malaki ang problema ng religious leader na si Apollo Quiboloy. Kung nagawa niyang isnabin ang mga subpoena at arrest warrant ng Kongreso, nakapangingilabot kapag inilabas na ng Korte ang warrant of arrest sa kanya laban sa kasong sexual at child abuse at human trafficking.
Tiyak, kalaboso ang destinasyon ng pastor dahil non-bailable ang mga kaso. Kinasuhan na siya ng Department of Justice (DOJ) sa mga kasong nabanggit.
Paano pa kapag humirit na ng extradition ang U.S. sa pamahalaan upang harapin ng pastor ang mga kasong nakasampa sa kanya roon? Patung-patong ang bigat na papasanin ni Quiboloy.
Suma-total, kung iiwasan niya ang aresto, siya ay magiging fugitive of the law. Siguradong hindi siya magpapaaresto at malamang puprotektahan siya ng mga miyembro ng kanyang sekta.
Kung magkagayon ito ay magiging running battle sa pagitan ng mga tagapagpatupad ng batas at mga followers niya na nauna nang nagpahayag ng kahandaang mamatay para sa kanya.
Nanganganib din ang bilyong pisong halaga ng mga ari-arian ni Quiboloy kapag nagtuluy-tuloy ang kaso kaya pinaghandaan na niya ito sa pamamagitan ng pagtatalaga kay dating Presidente Duterte bilang administrator ng kanyang ari-arian.
Lumiliit and daigdig ni Quiboloy.
- Latest