^

PSN Opinyon

Nasaan ang puso para sa mga batang mag-aaral?

#PROUDMAKATIZEN - Abby Binay - Pilipino Star Ngayon

Bakit andamot ng ex-beshy ko?

Talaga namang nakasasama ng loob ang mga kaganapan nitong nakaraang linggo. Pagkatapos ng pagpa-padlock sa Makati Park ay ang Makati Aqua Sports Arena (MASA) naman ang pinuntirya ng mga kaibigan natin sa Taguig LGU. Kahit na hindi kasama sa closure order ay idi­namay nila ang pasilidad na ito kung saan mahigit 4,400 students ang apektado ngayong buwan ng Marso at Abril. Ito ang nag-iisang venue kung saan puwedeng makapag-aral ng swimming ang mga bata nang safe at ma­ayos. Mayroon itong olympic-size swimming pool at very well-maintained kaya ipinagmamalaki talaga ito ng Makati.

Wala na yatang sasakit pa sa loob ko bilang ina ng lungsod na makita silang nalulungkot dahil hindi tuloy ang mga naka-schedule na swimming lessons nila. Sayang­ naman ang bagung-bago at complete swim gear ng mga bata na meron pang goggles at swim caps kung sarado naman ang lugar kung saan sila magsu-swimming. Para natin silang inexcite at tinakam pagkatapos ay binawi rin sa bandang huli. Napakalupit po ninyo para ipagkait ang maliit na kaligayahan ng mga batang ito—ang ma­­kapag swimming at matutong luma­ngoy nang libre. At kalulad nga ng nasambit ko, bakit andamut-damot n’yo?

Nilinaw naman ng ating City Administrator na si Claro Certeza na hindi kasama sa closure order na ipinalabas ng Taguig ang MASA, ngunit ipinasara pa rin ito noong March 3. Ang MASA ang venue ng ating I Can Swim Program na bahagi ng mas malaking programa para malinang ang kakayahan ng mga kabataan at tulungan silang maging matatag. Maliban sa 2,195 participants ng I Can Swim Program, nagsasanay rin sa MASA ang 1,486 Grade 12 students ng Higher School of UMak (HSU) at 719 na mga estudyante ng College of Human Kinetics ng Uni­versity of Makati.

Kaya naman ang pagkakapasara nito ay nagdulot ng problema sa mga mag-aaral na kailangang matapos ang swimming course bilang bahagi ng school curriculum.

Halatang hindi pinag-isipang mabuti ng mga opisyal­ ng Taguig ang magiging epekto ng kanilang hindi makatwiran at padalus-dalos na aksyon, at ngayon ay nakaaapekto sa buhay ng mga mag-aaral sa Makati na kinabibilangan ng kanilang sariling constituents. Hindi biro ang dami ng messages na aming natatanggap mula sa mga magulang at estudyanteng nagtatanong kung paano na ang kanilang swimming lessons. Hindi po sila entitled, dahil ito naman ay pribilehiyong matagal nang ibinigay sa kanila ng lungsod. Hindi po ito pagde-demand kundi paghingi na isauli lamang ang sa kanila. Makinig naman sana ang mga opisyal ng Taguig.

* * *

Ngayong TB Awareness Month, patuloy na pinalalakas ng Makati ang ating programa kontra tuberculosis. Nitong Marso 6 lamang ay nakatanggap ng karangalan ang ating Makati Health Department mula sa Department of Health (DOH) para sa excellent na implementasyon ng National TB Control Program.

Nahigitan ng MHD ang targets ng DOH para sa taong 2022 to 2023. Ilan sa mga indicators na kasama sa kate­gorya ng awards ay ang Screening by Chest X-Ray, Man­datory Notification, Treatment Success Rate, at Treat­ment Coverage. Nasabing excellent dahil lampas-lampas sa targets ng DOH ang ating na-achieve.

Nagpapasalamat kami sa DOH sa pagkilala sa MHD at sa commitment ng lungsod na magpatupad ng innovative healthcare strategies sa patuloy na paglaban ng daigdig sa tuberculosis.

vuukle comment

LGU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with