^

PSN Opinyon

Kaya bang arestuhin si Pastor Quiboloy?

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

Inisnab muli ng kontrobersiyal na Pastor Apollo C. Quiboloy ang paanyaya ng Senado na dumalo sa hearing na isinasagawa sa kaso ng religious leader na human trafficking na may kasamang rape. Kaya ngayon, nagpalabas na ng warrant ang Mataas na Kamara na arestuhin na siya.

Pero saan kaya siya hahagilapin? Nagbigay ng talinhaga ang pastor tungkol sa pinagtataguan niya. Ito raw ay kutang bato na binabantayan ng mga Itim at pulang langgam na handang dumepensa sa kanya. Magbibigay pa raw siya ng one thousand bucks sa sinumang makahuhula sa kinaroroonan niya. Isang libo? Wow—cheap naman!

Akala ko ba ubod siya nang yaman porke malawak ang sariling kaharian sa Davao at may sariling jet plane na nagagamit sa paglilibot sa buong mundo sa kanyang pagmimisyon? Kung mga pulang langgam ang tanod niya sa kutang bato, hindi kaya siya naroroon sa Cotabato sa piling ng mga rebeldeng komunista?

Pero sinabi rin niyang kalaban niya ang komunismo kaya nakalilito ang kanyang statement. Puwedeng diver­sionary statement niya ito upang lituhin ang mga tumutugis sa kanya. Pero bakit siya nagtatago?

Maganda nga na maihayag niya ang panig niya sa hearing ng Senado na in aid of legislation at hindi prose­cution. Sa gayon ay malilinis niya ang kanyang pangalan.Sabi ng Bible, “if God is with us no one can be against us?”

Bakit siya nagtatago kung nasa panig niya ang Panginoon? Ang dapat lang magtago ay ‘yung kinakasangkapan ang Diyos sa sariling lisyang kapakanan. Sa ganyang mga klase ng tao, may preparado nang hatol.

vuukle comment

APOLLO QUIBOLOY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with