^

PSN Opinyon

Sa QC, bida ang kababaihan!

QC ASENSO - Joy Belmonte - Pilipino Star Ngayon

SINIMULAN ng lokal na pamahalaan ng Quezon City nitong Lunes ang pagdiriwang ng National Women’s Month sa pamamagitan ng “QC Kababaihan Festival” na may temang ”Babae, Tuloy ang Pag-unlad”.

Sumentro ang selebrasyon sa festival street dance contest na nilahukan ng ating mga kasama sa paglilingkod mula sa iba’t ibang departamento ng City Hall.

Sa todo-bigay na performance ng mga kalahok, nabig­yang pagkilala ang mahalagang papel ng kababaihan sa lipunan at naitampok ang kanilang kapakanan at karapatan.

Sa aking maikling talumpati, sinaluduhan natin ang kababaihan na nagpapakita ng walang kapantay na dedikasyon­, mula sa pag-aalaga ng kanilang mga anak, pagpapatakbo ng negosyo at pagsugpo ng krimen.

Binigyang pugay rin natin ang kababaihan na binaba­lanse ang napakaraming tungkulin sa kanilang tahanan nang may galing, katatagan at walang kapantay na dedikasyon.

Gaya ng sinabi ni dating U.S. First Lady Michelle Obama, “there is no limit to what we, as women, can accomplish”, kaya napakarami na rin tayong nakikitang mga babaing lider, innovator, at changemaker, na nagsusulong ng prog­reso at pagbabago sa bawat sektor.

Ang ilan naman ay mga CEO, scientist, atleta, aktibista­, doktor, arkitekto, inhinyero, at nagbibigay hustisya at kata­rungang panlipunan. Ito’y patunay na sa isang moder­nong bansa, mahalaga sa pag-unlad ang buong partisipasyon ng kababaihan.

Kaya sa ating lungsod, tuluy-tuloy ang ating pagsusulong ng gender equality sa tulong ng iba’t ibang programa.

Sa pagtaya at pamumuhunan natin sa kanilang edukasyon, kalusugan, at kabuhayan, lalong lumalakas ang kanilang potensiyal na nagbibigay daan sa mas maliwanag na kinabukasan para sa ating bansa at sa lahat ng Pilipino.

Ngayong Marso, ipagdiwang natin ang pambihirang kontribusyon ng kababaihan sa ating mga pamilya, komunidad, at bansa. Itampok natin ang kanilang katatagan, lakas at tiyaga sa harap ng kahirapan.

Sama-sama tayong kumilos para maabot ang isang lipunang pantay ang respeto, trato, at pagpapahalaga sa isa’t isa.

Sabi nga, mga babae tayo, at hindi babae lang!

vuukle comment

QUEZON CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with