^

PSN Opinyon

PBBM sagad na ba sa China?

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

HINDI na raw maaaring magbulag-bulagan ang Pilipinas­ sa ginagawang aggression ng China sa Pilipinas. Ito ang tahasang pahayag ni Presidente Marcos sa kina­ro­­­ro­­o­nan­ niya sa Australia matapos ang pagbangga ng barko ng Chinese­ militia sa isang barko ng Philippine Coast Guard na ikinasira nito. Gaya nang dati, maghahatid lang ng supply ito sa mga sundalong Pilipino sa BRP Sierra Madre.

Ani Marcos, kapag nasa panganib na ang soberenya ng bansa mapipilitan ang ating bansa na pigilan ang ganitong mga pagtatangka. Nagpahayag na rin ang Euro­pean­ Union ng pangamba sa lumalalang sitwasyon at nanawagan sa China na igalang ang international maritime law.

Pero wala nang iginagalang ang China. Ito’y labis nang bilib sa sarili bilang superpower na kayang lupigin ang kahit na sinong mas maliit na bansa. Kailan sasaklolo sa mga maliit na bansa ang mga “big brothers” natin na dati nating sinasandalan?

Ang China pa mismo ang may kapal ng mukha na magsasabing ang Pilipinas ang nagpasimula ng agresyon kaya sila gumagamit ng dahas.

Hindi natin masisi ang sino mang Pangulo natin na hanggang salita lang dahil sa totoo lang, wala tayong ikakasa laban sa halimaw na ito.

Sabi nga ni Marcos, handang makipagkooperasyon ang Pilipinas sa China sa mga isyu sa ikabubuti ng ugnayan­ ng dalawang bansa. Ngunit kung nasa panganib na ang kala­gayan ng Pinas, gagawa na ito ng hakbang upang labanan ang mga nagtatangkang lupigin ang ating sobe­renya.

Marahil, mapapangiting-aso lang ang Presidente ng China dahil batid niyang pulos bokadura lang si Marcos.  Pero kung magpapahayag na rin ng kahandaan ang ibang mga bansa upang ipagtanggol ang rehiyon, tiyak mapapayapa ang mga galaw ng China.

Totoo kayang kinatatakutan na pati ng Amerika at mga kaalyadong superpower ang China?

vuukle comment

CHINA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with