^

PSN Opinyon

Nalimutan na ba si Teves?

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

Sa dinami-dami ng mga nagsusulputang political issues, nabaon na nang malalim ang tungkol kay dating Negros Oriental Rep. Arnulfo Teves na ngayo’y nagtatago sa ibang bansa dahil sa mabigat na kasong kriminal. Pero tiyak kong hindi pa nalilimutan ang isyung ito.

Sa bigat ba naman ng kasong ipinararatang kay Teves, sino ang makakalimot diyan? I’m sure marami ang galit na at naiinip sa pagresolba ng kasong kinasasangkutan niya.

At kung medyo lumabo na siya sa memorya, siya ang pinaghihinalaang utak sa pagpatay kay Negros Oriental Governor Degamo. Ang tugon ni Teves dito ay politically motivated ang akusasyon. Eh bakit ayaw niyang harapin ang kaso upang  idepensa ang sarili?

Bakit ba hanggang ngayon ay nahihirapan ang pamahalaan na siya ay ma-extradite? Di ba sabi ni DOJ Sec. Remulla, “air tight” ang hawak na kaso laban kay Teves?

Hindi kaya nagtagumpay na siyang makukuha ng poli­tical asylum upang tuluyang matakasan ang hustisya? Huwag naman sana.

Ayon sa Department of Justice, final and executory na ang kanselasyon ng pasaporte ni Teves. Talagang nagtatago­ na lang siya hangga’t kaya niya maliban na lamang kung makukuha siya ng political asylum.

Nasa East Timor umano si Teves at humihirit ng political asylum. Walang malinaw na balita kung pinagbigyan na ang kanyang kahilingan ng nasabing bansa.

Umaasa lang sa katiyakan ng Presidente ng nasabing bansang kinaroroonan ni Teves na makikipagtulungan ito sa ating pamahalaan sa madaling pagdakip kay Teves.

Pero bakit ang tagal naman? Kung seryoso ang paha­yag ng Presidente ng East Timor, dapat matagal nang na­ibalik si Teves sa Pilipinas? Ayaw kong isipin na guma­galaw ang bil­yones ni Teves at kahit mismo sa pamahalaan ay hindi napu­putol ang kanyang komunikasyon sa kanyang mga kaalyado.

vuukle comment

ARNULFO TEVES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with