^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Maraming bayan walang fire trucks

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Maraming bayan walang fire trucks

Noong Marso 1 na ang umpisa ng Fire Prevention Month, isang malaking sunog ang naganap sa Valenzuela City kung saan natupok ang isang pabrika. Nagkaroon din ng sunog sa Marikina City at natupok naman ang pabrika ng pulbura na nadamay ang mga bahay sa paligid. Bago ang mga sunog na iyon sa Valenzuela at Marikina, nagkaroon din ng sunog sa Tatalon, Quezon City at natupok naman ang mga bahay na gawa sa light materials. Umiiyak ang isang babaing nasunugan ng bahay sapagkat hindi raw sila inasikaso ng mga bumbero. Mas una raw binugahan ng tubig ang mga bahay ng maykaya sa buhay. Sila raw mahihirap ay hindi inintindi ng mga bumbero.

Katwiran naman ng mga bumbero, naubusan sila ng tubig kaya hindi agad naasikaso ang mga bahay. Kailangan pa raw nilang magkarga ng tubig. Hindi raw nila inuuna ang mga malalaking bahay. Pantay-pantay daw ang kanilang pagseserbisyo sa mga nasusunugan. Ito raw ang kanilang ­sinumpaang tungkulin.

Isa sa mga problema ngayon ng BFP ay ang kakulangan ng fire trucks. Sa Metro Manila, hindi gaanong problema ang kakulangan sa fire trucks sapagkat maraming pribadong grupo ng fire volunteers na agarang rumeresponde sa sunog. Kaya kapag sumiklab ang sunog, sunud-sunod ang dating ng mga bumbero.

Paano kung ang bayan at siyudad ay wala ni isa mang fire trucks? Paano ang gagawin kapag nagkasunog? Hihintayin na lamang na tupukin ang mga ari-arian? Nakaaawa ang mga bayan at siyudad na walang fire trucks na reresponde sa biglaang sunog.

Sa report ng BFP noong nakaraan taon, 332 bayan at siyudad sa bansa ang wala ni isa mang fire trucks. Nangu­nguna sa mga lugar na walang fire trucks ay ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM). Ayon sa BFP, may mga fire trucks ang ilang bayan at siyudad pero karamihan sa mga ito ay sira at hindi maaaring gamitin sa biglang pangangailangan. Umaabot umano sa 165 ang mga sirang fire trucks samantalang 97 ang nire-repair.

Noong Setyembre 2021, nilagdaan ni dating President Rodrigo Duterte ang Republic Act 11589 (Bureau of Fire Protection Modernization Act) na nag-uutos na magkarooon ng mga fire station, mga bagong kagamitan gaya ng fire trucks at iba pang modernong gamit para pamatay-sunog.

Noong 2022, inaprubahan ang P1.5 bilyon para sa pagbili ng fire trucks. Ang budget naman ngayong 2023 para sa procurement ng fire trucks ay bumaba sa P950 million.

Ipatupad ang RA 11589 upang magkaroon ng fire trucks ang bawat bayan sa buong bansa. Mahalagang may makaresponde sa oras ng sunog. Iprayoridad ito.

FIRE PREVENTION MONTH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with