^

PSN Opinyon

‘Feb-ibig’ week sa QC

QC ASENSO - Joy Belmonte - Pilipino Star Ngayon

NAPUNO ng pag-ibig ang ating lungsod sa pagdiriwang ng Valentine’s Day sa ginawa nating Kasalang Bayan at Committment Ceremony nitong nakaraang linggo na tinawag kong “Feb-ibig” week.

Isa sa mga paborito kong programa tuwing buwan ng pag-ibig ay ang Kasalang Bayan. Pangkaraniwan na ang ganitong programa, ngunit ibang saya ang aking nararamdaman tuwing ako’y nag-o-officiate ng kasal ng mga QCitizens.

Nasasaksihan ko kasi ang ligaya at tamis ng pagma­mahalan ng mga nagpapalitan ng matamis na ”I do’s” sa ating mga Kasalang Bayan, lalo na ‘yung matagal nang nagsasama ngunit hindi makapagpakasal dahil sa problemang pinansiyal.

Sa programang ito, nabibigyan natin ng katuparan ang kanilang “dream wedding” nang hindi sila gumagastos ni isang sentimo. Bukod pa rito, hindi na nila kailangang lumiban sa trabaho para sa paghahanda o pag-aasikaso ng kailangang papeles.

Nitong mga nakaraang araw, umabot sa 1,036 couples ang ating ikinasal bilang marriage officiant sa garden wedding na idinaos sa Quezon City Experience (QCX) Museum.

Sa District 1, 179 pares ang ating ikinasal; sa District 2, 195 at sa District 3, 160. Nagpalitan naman ng sumpaang magmamahalan sa hirap at ginhawa ang 132 pares sa District 4; sa District 5, 196 at sa District 6, 183.

Tayo rin ang nanguna sa Commitment Ceremony para sa 210 LGBTQIA+ couples sa ating lungsod.

Ito ang ikaapat na Commitment Ceremony na ating pinangunahan bilang mayor ng lungsod, patunay ng ating suporta para sa pantay na pagtrato sa ating mga kapatid na LGBTQIA+.

Bagamat hindi ito legal na seremonya sa mata ng batas, ito’y simbolo at pagpapatibay ng wagas na pag-ibig ng LGBTQIA+ community at kanilang mga partner.

Ito rin ang unang pagkakataon na ipinamahagi ang Right to Care card sa unang batch ng 15 LGBTQIA+ couples, na nagbibigay sa kanila ng karapatang magdesisyon sa usapin ng kalusugan.

Sa QC, sisiguruhin ng ating administrasyon na love always wins, anuman ang iyong kasarian at estado sa buhay!

vuukle comment

VALENTINE’S DAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with