^

PSN Opinyon

Tanging Vendor Business School sa Pilipinas, nasa QC

QC ASENSO - Joy Belmonte - Pilipino Star Ngayon

SA bawat programang isinusulong ng ating administras­yon, tinitiyak natin na walang maiiwan na QCitizen. Lahat sama-sama sa pag-asenso.

Isa na rito ang Vendor Business School (VBS), na ini­lunsad kamakailan ng pamahalaang lungsod kasama ang Consultative Group for International Agricultural Re­search (CGIAR) Resilient Cities, na pinamunuan ni Dr. Simon Heck, at  QC Market Development and Administration Department (MDAD) Officer-in-Charge Ma. Margarita Santos.

Ipinagmamalaki natin na tanging Quezon City lang ang may ganitong programa sa buong Pilipinas at ikalawa naman sa buong mundo bukod sa Nairobi, Kenya.

Ang programang ito’y nagbibigay diin sa mahalagang papel na ginagampanan ng ating market vendors pagdating sa pagsasaayos ng ating public markets at pagtiyak ng malinis, ligtas at sapat na supply ng pagkain sa ating lungsod.

Kalakip din nito ang ating layuning tulungan silang ma­palago ang kanilang mga negosyo at gawin silang bahagi ng isinusulong na food security ng ating lungsod.

Sa paunang bugso ng programa, 140 market vendors ang sasabak sa VBS na magpapaigting sa kanilang kaala­man at kakayahan sa entrepreneurship, pagnenegosyo, food safety, market technology, climate change, at pati na rin sa nutrisyon.

Sa loob ng 10 weekly training workshops at limang buwang coaching at mentoring, ituturo sa kanila ang sis­tema ng pagnenegosyo na hindi lang magpalago ng kita ang layunin, kundi pati na rin ang epekto ng klima sa kani­lang negosyo.

Ituturo rin sa kanila kung paano titiyaking ligtas kainin ang kanilang paninda, nutritional benefits ng mga pagkain at iba pang bagay na makaaapekto sa kanilang negosyo.

Ngayong Pebrero magsisimula ang workshops para sa market vendors habang ang coaching at mentoring ay tatagal hanggang sa kanilang graduation sa July 2024.

Bilang insentibo sa kalahok na market vendors, pasok sila sa PangkabuhayangQC Program sa ilalim ng Small Business Cooperative Development and Promotions Office (SBCDPO) kung san makakatanggap sila ng small business grant na P10,000 hanggang P20,000 na magagamit nila para mapalago ang kanilang negosyo.

Good luck sa ating 140 market vendors!

vuukle comment

MARKET

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with