^

PSN Opinyon

Urban farm sa QC, tuloy ang pagdami

QC ASENSO - Joy Belmonte - Pilipino Star Ngayon

MALAYO na ang narating ng ating programang urban farming.

Sinimulan natin ito noong 2010, noong ako’y Vice Mayor­ pa lang, sa isang simple at maliit na lugar malapit sa mga restaurant sa Quezon Memorial Circle. Makalipas ang apat na taon, nabigyan ito ng mas malaking espasyo sa QMC.

Lalo pang pinag-ibayo ang programa noong panahon ng pandemya nang makita natin ang pangangailangang palakasin ang food security sa ating lungsod.

Fast forward sa 2023, sa unang bahagi ng taon ay mayroon na tayong 754 urban farms sa buong Quezon City. Umakyat pa ito sa 1,026 noong Disyembre.

Natutuwa tayong makita ang mabilis na pagdami ng ating­ urban farms dahil malaki ang maitutulong nito para mabig­yan ng sapat na pagkain ang ating mga QCitizens.

Bukod pa riyan, nakapagbigay rin ang ating urban fams ng kabuhayan sa tinatayang 25,000 QCitizens na nagta­trabaho bilang urban farmers.

Ipinagpapasalamat natin ang pagtaas ng bilang ng urban farms sa lungsod sa City Ordinance No. SP-2972  na ating­ inaprubahan noong 2020. Sa ordinansang ito, hindi na pag­babayarin ng Idle Land Tax ang mga may-ari ng lupa kung gagamitin nila ang kanilang ari-arian para sa urban agriculture nang hindi bababa sa tatlong taon.

Natutuwa tayo na nakatulong ang ordinansa para mahi­kayat ang mga may-ari ng idle lands na gamitin ang kanilang lupain para sa urban agriculture. Sa halip nga naman na nakatiwangwang, may makukuha pa silang pakinabang kapag tinaniman ito ng iba’t ibang klase ng gulay.

Para makinabang sa benepisyong hatid ng nasabing ordinansa, dapat ang idle land ay gagamitin para lang sa urban farming nang hindi bababa sa tatlong taon, at kaila­ngang magkaroon ng ani na puwedeng gamitin para sa personal na pangangailangan o para sa publiko.

Ang mga kwalipikadong lupain ay bibigyan ng sertipikasyon ng Quezon City Task Force on Food Security at Office of the City Assessor kapag nakapasa sa assessment.

Umaasa tayo na marami pang may-ari ng bakanteng lupa ang sasama sa hangaring ito at ipagagamit ang kanilang ari-arian para sa urban agriculture. Malaki ang maitutulong ito para mapalakas pa ang ating food security sa mga susunod na taon.

QUEZON MEMORIAL CIRCLE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with