^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Ipatupad ang Anti-Drunk and Drugged Driving Act

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Ipatupad ang Anti-Drunk and Drugged Driving Act

Maraming nangyayaring aksidente ngayon sa kal­­sada na kinasasangkutan ng mga driver na lasing­ sa alak at lango sa droga. Ngayong Disyembre­ lamang, marami nang naiulat na aksidente na ang dahilan ay drunk driving. Hindi lamang mga driver ng kotse at truck ang napi-figure sa aksidente kundi pati na rin ang motor­­cycle riders­. Kadalasang bumabangga ang motorcycle sa nasa unahang sasakyan at ang iba naman ay pumapa­ilalim sa truck at nakakaladkad ng ilang metro. Patay ang rider. Ang masaklap pati angkas niya nadadamay.

Sa Road Crash Statistics ng Metro Manila Develop­ment Authority (MMDA) mula Enero hanggang Hulyo ng taong kasalukuyan, nasa 44,493 ang naganap na aksidente. Wala pa silang update ng Agosto-Disyembre na inaasahang mas marami pa dahil sa pagmama­meho ng lasing ngayong holiday season.

Karaniwang nagaganap ang malalagim na aksi­dente sa kalsada sa madaling araw. Sa oras na ito nata­­tapos ang mga pagtitipon o pag-iinuman ng mga magka­ka­ibigan, magkakaklase at mga magkaka­­­opi­sina. Marami ring bumabangga sa mga konkretong barriers o mga haligi ng MRT at LRT ganundin ng mga footbridges. Ang nakapanghihilakbot, inaararo pa ang mga taong nag-aabang ng masasakyan. Dahil sa kawalan ng disiplina sa pag-inom nang maraming alak, pati ang mga inosenteng commuters ay dinamay.

Hindi lamang sa Metro Manila nagkakaroon nang malalagim na aksidente dahil sa drunk driving. Maski sa probinsiya man ay may nangyayaring pagbangga ng sasakyan dahil sa kalasingan ng driver.

Noong nakaraang Nobyembre 1, isang mag-anak na nakasakay sa traysikel at pauwi sa kanilang bayan sa Quezon ang sinalpok ng isang pick-up na minama­neho ng lasing na drayber. Naganap ang trahedya sa Bgy. Bukal, Los Baños, Laguna. Apat ang namatay na pawang mga pasahero ng traysikel. Ayon sa pulisya, mabilis ang takbo ng pick-up at nag-overtake sa sinu­sun­dang sasakyan kaya nasalpok ang traysikel na nasa kabilang linya. Nakakulong na ang drayber.

Mula nang lagdaan ang Anti-Drunk and Drugged Dri­ving Act, 10 taon na ang nakararaan, napakarami nang nangyaring malalagim na sakuna sa kalsada na ang ugat ay ang pagmamaneho nang lasing. Sa ilalim ng batas, ang mahuhuli na nagmamaneho nang lasing sa alak at lango­ sa droga ay makukulong ng tatlong buwan at pagmumultahin ng P80,000. Magmumulta naman ng P200,000 hanggang P500,000 kapag may napinsala at namatay.

Magaan ang parusa sa mga lumalabag kaya nararapat amyendahan ang batas. Kung papatawan nang mas mabigat na parusa, posibleng wala nang lalabag sa Anti-Drunk and Drugged Driving Act.

vuukle comment

DRUNK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with