^

PSN Opinyon

Duterte mali ang turo sa ROTC kay VP Sara

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

Baluktot ang payo ni dating Presidente Rody Duterte sa anak na si VP Sara.

Makatwiran aniya ang hinihingi ni Sara na P500 mil­yong confidential funds bilang VP at P150 milyon bilang Education Secretary para 2024. Ikatwiran daw dapat ni Sara na ang kabuuang P650 milyon ay para sa pagbalik ng Reserve Officers Training Corps sa kabataan. Sa ganung paraan, ibibigay umano ng Kongreso ang pondo na hindi na kailangan ipaliwanag kung paano ginasta.

Mapapahamak si Sara kung sumunod sa payo ng ama. Bakit?

Una, kung ibalik ng Kongreso ang ROTC, popondohan ito bilang programa ng gobyerno o “line item”, hindi confi­dential expense. Isasama sa ROTC budget ang suweldo ng mga magpapalakad at staff nito, upa sa opisina at utilities (telecom, kuryente, tubig), at capital expenses tulad ng mga riple, kanyon, bala, sasakyan, mesa, silya, uniporme, at iba pa.

Ikalawa, ang bersiyon ng Senado sa pagbalik ng ROTC ay sa 2nd at 3rd years ng kolehiyo. Samakatuwid, papasok ito sa Commission on Higher Education, hindi sa Dept. of Education ni Sara. Mahahalatang palusot lang niya na ang confidential funds ay para sa ROTC.

Ikatlo, sa bersiyon ng Kamara de Representantes, ang ROTC ay ipapatupad sa 11th at 12th Grades. Papasok na ito sa DepEd ni Sara. Pero malamang i-veto ng Presidente ang batas para hindi mapahiya ang Pilipinas sa mundo.

Edad-15, -16 o -17 ang mga 11th at 12th graders. Labag sa UN Convention on the Rights of the Child na i-recruit sa mili­tary ang mga menor-de-edad. Malinaw ito sa Optional Protocol Against Child Soldiers.

Sa pananaw ni Rody Duterte, mag-imbento lang ng gastusin para makakuha ng confidential-intelligence funds. Ganun ba ang ginawa niya sa bilyon-bilyon pisong CIF niya bilang Presidente?

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

RODY DUTERTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->
ad