^

PSN Opinyon

Maligno sa resort

UNFILTERED - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

MAG-INGAT sa mga pinupuntahang resort, pasyalan o pahi­ngahan. Lalo na ‘yung mga nasa liblib na lugar at malayo sa kabihasnan.

Baka may mga “malignong” naglalabasan diyan lalo pag­sapit ng gabi kung saan nawawala ang inyong mga kagamitan tulad ng mga nakaparadang sasakyan.

Sa Baras, Rizal, may isang resort na notoryus pagdating sa mga paglabag. Tila naging palaruan ang kanilang resort ng mga magnanakaw ng motorsiklo.

Ang mga CCTV sa resort, naging palamuti lang dahil ayon sa management ng resort, sira raw. Ni walang security guard para bantayan ang pasilidad maging ang mga naka­paradang sasakyan sa kanilang nasasakupan.

Ang pinakamasaklap, makailang beses na raw ipinasara ng munisipyo ang nasabing resort. Subalit, patuloy na nagbubukas at tumatanggap ng mga customer na tuma­tangkilik ng kanilang pasilidad.

Ang Lihim na Batis, isang resort sa bulubundukin ng Baras, Rizal ay inireklamo sa BITAG dahil sa pagkawala ng motorsiklo ng isa nitong mga customers. Hindi mata­wagan, walang pamunuan na pwedeng makausap, walang sekyu at sira ang mga CCTV.

Saan kaya kumukuha ng lakas-loob ang negosyong ito na patuloy na labagin ang kautusan ng otoridad at bale­walain ang mga reklamo laban sa kanilang pasilidad?

Kung hindi ang munisipyo at pulis sa bayan ng Baras, Rizal – kanino may pananagutan ang negosyong ito?

Ang panghihimasok ng BITAG at pag-aksiyon sa nawa­walang motorsiklo ng mga nagrereklamo, abangan sa BITAG Official YouTube page.

Buong munisipyo, nabulabog. Ang mga tutulug-tulog, nagising.

vuukle comment

CCTV

RESORT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with