^

PSN Opinyon

Makati lume-level up sa global benchmarking

#PROUDMAKATIZEN - Abby Binay - Pilipino Star Ngayon

Agad akong umuwi mula sa Australia upang harapin ang napakaraming obligasyon sa Makati City Hall. Nariyan ang mass wedding, mga papel na dapat pirmahan at samu’t saring duties and responsibilities sa araw-araw.

Kabilang sa mga importanteng kaganapan sa lungsod ang pagbisita ng mga kaibigan natin mula sa ibang siyudad at ibang bansa. Nitong Miyerkules ay dinalaw tayo ng mga kaibigan natin mula sa Dipolog City para mag-benchmarking sa ating mga programa sa social services, edukasyon, at smart city initiatives. Personal na pumunta sa aking tanggapan si Dipolog City Mayor Darel Uy at iba pang opisyal ng lungsod­ na binansagang “Gateway to Western Mindanao”. Malugod ko silang tinanggap at binahaginan ng mga programa at best practices na maaari nilang gayahin sa kani­lang komunidad.

Sa gitna rin ng napakaabalang linggong ito ay malugod kong tinanggap si Canadian Ambassador David Hartman at ang grupo ng Canadian Trade Commissioner Service. Interesado silang malaman ang mga susunod nating hakbang­ para palawakin pa ang ating mga smart initiatives at digital transformation programs. Ang Canada Trade Commissioner Service ay matagal nang may headquarters sa Makati at isa ito sa mga dahilan kung bakit patuloy pa rin ang magandang relasyon ng Canada at ng ating lungsod pagdating sa trade and commerce.

Bilang lider, binibigyang halaga ko ang mga ganitong pagkakataon dahil oportunidad ito para lalong lumago at lumawig ang ating mga proyekto kasama ang ibang bansa.

Noong Setyembre 14 naman ay nagtungo ako sa Amerika para sa ilang mahahalagang meetings. Isa sa mga una kong binisita ang Philippine Consulate sa Los Angeles, California­ at doon ay sinalubong ako ni Philippine Consul General Hon. Edgar Badajos.

Sumunod akong nagpunta sa Los Angeles Downtown Medical Center (LADMC) para makipagkuwentuhan sa mga may-ari na sina Bill Nelson at ang Pilipinang si Vicki Rollins. Ang LADMC ay prestigious hospital sa Los Angeles at may five-star rating ito pagdating sa delivery ng healthcare services. Ang maganda sa ospital na ito ay isang kababayan natin ang namumuno at nagpapatakbo rito. Mula sa isang struggling facility ay napaganda at na-improve nang husto ang serbisyo rito, kaya naman naging interesado akong malaman kung ano ang naging approach at strategies nila.

Naisip kong pupuwede natin itong pag-aralan at iadapt din para ma-improve pa ang serbisyo at mga equipment natin sa Ospital ng Makati at barangay health centers.

And last but not the least, bumisita ako kay Commissioner Susana Reyes ng Los Angeles Board of Public Works para mapag-aralan ang kanilang best practices at methodologies sa public works. Ang Los Angeles at Makati ay sister cities, at simula pa noong 1992 ay nagkakaroon na tayo ng mge exchanges at pagtutulungan. Unang beses ko pa lamang bumisita sa kanila bilang mayor at tuwang-tuwa ako sa mainit na pagtanggap sa akin.

Bukod sa pagpaparanas sa akin ng Pilipino hospitality ng ating mga kababayan, ang pagbisita sa Los Angeles ay tanda ng kababaang loob at pag-aming napakarami pa nating puwedeng matutunan mula sa ibang komunidad. Hindi tayo dapat maging kampante sa ating mga nagawa at na-achieve na, laging mayroong mas mataas na pangarap at goals na kailangang abutin.

Sa ating mga kaibigan sa ibang lungsod at ibang bansa, maraming salamat sa inyong pagtitiwala at suporta.

vuukle comment

CITY HALL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with