^

PSN Opinyon

Blogger sinisi ng gun toter

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

Sinampahan na ng kasong alarm and scandal ang dating­ pulis na nagkasa at nanutok ng baril sa nakaaway na siklista­. Ang Quezon City government ang nagdemanda dahil ayaw na marahil maabala ng biktimang tinutukan. Alam n’yo ba kung sino ang sinisisi ni Mr. Wilfredo Gonzales­? Ang binubuntunan­ niya ng kanyang ngitngit ngayon ay ang blogger na nag-up­load ng video na nagpapakita sa engkuwentro niya sa siklista. Tinawag niya itong irespon­sable dahil ni hindi raw nito alam ang puno’t dulo ng sigalot.

Ha? Ano man ang dahilan ng away, ang ginawa niya ay labag pa rin sa batas. Sabi nga, the end cannot justify the means.

Hindi bale siguro kung ‘yung cyclist ay may sandata rin at nakaambang atakihin siya. Self defense kung magka­gayon. At kahit self-defense, masasakdal pa rin siya at patu­tunayan sa hukuman na nagtanggol lang siya sa sarili.

Maliwanag na init ng ulo ang umiral kay Gonzales pero hindi pa rin dahilan ito para sabihing wala siyang panana­gutan. Gun-toting is still a crime at may katapat itong parusa. Inuunawa ko ang kahinaan ng taong natatangay gumawa ng mali nang umiiral na galit.

Lahat nang tao ay maaaring makagawa ng karahasan kapag sumilakbo ang galit. Kaso, may batas tayo at ang batas ay batas na dapat sundin.

Mabuti nga at hindi niya pinaputok ang baril dahil mas mabigat na kaso iyan lalo pa’t kung nakapatay siya.

PULIS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with