^

PSN Opinyon

Lumiliit na ang mundo ni Teves

AKSYON NGAYON - AL G. Pederoche - Pilipino Star Ngayon

Nauna nang idineklarang terorista si Arnulfo Teves ng Anti-Terrorism Council, prime suspect sa paglikida kay Negros Oriental Governor Roel Degamo, at noong Miyer­kules, tuluyan na siyang pinatalsik sa pagiging represen­tante ng naturang lalawigan sa botong 265 ng kan­yang mga kasamahang kongresista. Paliit nang paliit ang kanyang mundo kahit saan siya magtago.

“Disorderly behavior” ang naging dahilan ng kanyang pagkakapatalsik at walang direktang kinalaman ang mga serye ng pagpatay sa kanyang lalawigan na ipinaparatang din sa kanya. Bakit disorderly behavior? Ito’y dahil sa nag-viral na video ni Teves na nagsasayaw na naka-boxer short lang.

Para niyang inalipusta ang sarili niyang katungkulan bilang Kongresista ng pinagpipitagang Kamara de Repre­sentante. Kasama rin sa sinasabing paglabag niya ay ang kanyang pagpapabaya sa tungkulin bilang mambabatas sa patuloy niyang pagtangging bumalik ng Pilipinas at paghingi pa ng political asylum sa Timor-Leste.

Ang mga iyan umano ay paglabag sa sinumpaan niyang oath of office nang manungkulan siyang mambabatas. Walang direktang kinalaman sa mga kaso ng pagpatay at tangkang pagpatay na ibinibintang sa kanya. Sa kanyang napakatagal na absence sa Kamara, nawalan­ ng kinatawan ang distrito ng kanyang probinsya kaya ito’y pag­papabaya sa tungkulin, ano man ang dahilan niya. Pero kumusta naman ang mga kasong ipinapatong kay Teves?

Kung may mga kaso nang nasampa, pugante na siya ng batas na maituturing at maaari nang humingi ng tulong­ ang Pilipinas sa Intenational Police o Interpol para siya matunton, arestuhin at ibalik sa Pilipinas. Kailan mang­yayari ito? Noong hindi pa pinipigil ang kanyang mga kaya­manan, maaari siyang manuhol kaya mahirap madakip. Pero ngayong frozen na ang mga assets niya, wala na siyang power para gawin iyan.

Nasa ibang bansa pa si Teves dahil ayaw umuwi at natatakot sa mga kasong ipinaparatang sa kanya. Sa pagkakadeklara sa kanya bilang terorista, frozen na rin ang kanyang kayamanan kaya hindi na niya puwedeng gamitin kung balak man niyang manuhol o bumili ng proteksiyon.  Sa ibang salita, wala na siyang kapangyarihan, maliban na lang kung mayroon siyang kaalyadong maraming pera na gagastos para sa kanyang press releases, abogado  at iba pa. Kailan kaya papasok ang Interpol sa eksena?

vuukle comment

ARNULFO TEVES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with