^

PSN Opinyon

Usapin sa Dengvaxia

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

Nadismaya ang Philippine Medical Association (PMA) nang mag-witness si Dr. Tony Leachon sa court hearing kamakailan na may kaugnayan sa Dengvaxia.

Sa testimoniya ni Leachon, ipinasa lamang umano ito sa kanya ni Dra. Melissa Guerrero noong kainitan ng imbestigasyon hinggil sa maraming namatay dahil sa Dengvaxia. Dapat patunayan ito ni Leachon upang maisalba ang kre­dibilidad ng mga medical expert at mga Pilipinong medical scientist ng bansa.

Ayon kay Leachon, bahagi siya ng autopsy team sa mga pasyenteng sina Colite at Baldonado. Napag-alaman na base sa mga attending physician ng naturang mga pasyente, ruptured appendicitis ang sanhi ng pagkamatay ni Colite at leukemia naman ang kay Baldonado.

Subalit iginiit ni Leachon na Dengvaxia ang dahilan ng kanilang pagkamatay at kriminal umano ang mga eksperto­, kabilang na ang mga Pilipino medical scientist. Iginiit din ni Leachon na eksperto siya sa lahat ng bagay, bata man o matanda, buhay man o patay kasama na ang autopsies, subalit wala siyang maipakitang mga dokumento sa korte para patunayan ito.

Sa panahon na kailangan ng madlang pipol ang gamot na makalulunas sa dengue, naunsyami pa dahil lamang sa kuwentong barbero na pinaniwalaan ni Leachon. Sinabi rin niyang isa siyang eksperto dahil ipinatawag siya ni dating President Rodrigo Duterte at ginawang adviser.

Aniya, ginagawa niya ang lahat ng ito dahil sa kanyang krusada para sa accountability. Sinabi pa ni Leachon sa hearing na marami siyang nalalaman dahil palihim siyang pinadadalhan ni Guerrero ng mga dokumento at impormasyon sa kanyang tahanan.

Gayunman hindi mabeperika ni Leachon kung ang ilang impormasyon ay deleted o twisted. Iginiit niyang ma­aaring tanungin si Guerrero hinggil sa bagay na ito, subalit ayon sa DOH insiders, si Guerrero ay laging bumibiyahe at ina­akusahang anti-vaccine.

Sa kasalukuyan, hindi ma-contact si Guerrero, na  long-tine trusted staff ni dating DOH Secretary Francisco Duque. At habang dinidinig na ngayon sa korte ang usapin sa Dengvaxia, patuloy naman ang pagdami ng dengue cases sa maraming lugar sa bansa. Mula nang manalasa ang bagyong Egay at nagkaroon ng pagbaha, dumami ang kaso ng dengue at pati leptospirosis.

Hanggang sa kasalukuyan naman ay hindi mahagilap­ si Guerrero habang dinidinig na ang kaso sa korte. Kaya naman nananawagan ang legal experts sa Philippine Me­dical Association (PMA) na linisin ang kanilang hanay.

Nararapat hagilapin ni Leachon si Guerrero nang ma­ipresenta sa korte at makapagbigay linaw sa naging usapin sa Dengvaxia.

vuukle comment

PMA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with