Masamang serbisyo ng Caticlan Port
UNTI-UNTI nang tinatamasa ng madlang pipol ang mga trabaho kaya unti-unti nang umaangat ang pamumuhay ng mga Pinoy. Ang masaklap lamang, may kakulangan ang mga pangunahing departamento na ikinadidismaya ng ilang kababayan lalung-lalo na sa mga turista. Gaya sa palpak na serbisyo ng Ninoy Aquino International Airport na nakararanas ng concellation ng wala sa oras na malaking epekto nito sa mga pasahero. Sa ngayon, sa P10,000 ang pamasahe ng mga airlines kaya madidismaya ang pasahero kung maka-cancelled ang flight.
Kaya marami ang nagtatanong kung kailan isasapribado ang NAIA. Nais ng MIAA na palitan ang mga equipment ng airport upang maging upgraded na ito. Tama naman na palitan ang mga instrumento ng mga paliparan dahil kopong-kopong pa ang mga ito.
Sa mga pantalan na gaya ng Batangas Port at Caticlan Port sa Aklan, kailangang bisitahin ito ng personal ni President Ferdinand Marcos Jr. dahil marami ang nadidismaya sa serbisyo ng mga pantalang nabanggit.
Hindi ko malilimutan ang karanasan nang ma-stranded sa Caticlan Port sa Malay, Aklan noong Hulyo 17. Dumating ang aming bus dakong ala-una ng hapon sa Caticlan Port. Naghintay ito upang kumuha ng slot sa sasakyang RoRo vessel. Umabot ng alas-8 ng gabi hindi pa rin natitinag sa pagkaparada ang bus. Hanggang sinabi ng konduktor na babalik na muna sa Nabas at doon na lamang umano hintayin ang sked ng barkong sasakyan patungo sa Batangas Port.
Hanggang sumapit ang 3:00 a.m., nagkukumahog ang drayber ng bus upang makapila muli sa pantalan para makasakay ng RoRo. Ang mga kaawa-awang pasahero ay nangalumata dahil hindi nakatulog nang maayos.
Wala bang kakayahan ang Caticlan Port na magkaroon ng holding area para mga stranded na pasahero. Sa tingin ko, ang mahalaga lamang para sa mga awtoridad ng Caticlan Port ay ang kinikitang terminal fee. Ayusin n’yo ang serbisyo.
- Latest