^

PSN Opinyon

Going Green ang Makati…

#PROUDMAKATIZEN - Abby Binay - Pilipino Star Ngayon

Last week, dalawang international speaking engage­ments­ ang dinaluhan ko virtually. Ang una ay ang Brunel International Lecture Series na organized ng Institution of Civil Engineers (ICE). Keynote speaker po tayo dito dahil sa aking posisyon bilang board member ng Global Cove­nant of Mayors for Climate and Energy (GCoM) at repre­sentative ng Southeast Asia. Sa lecture series na ito ay pinag-uusapan ng mga industry experts ang “green infras­tructure” o kung paano tayo makakagawa ng mas maraming green buildings, spaces, at gumamit ng sustainable materials. Im­portante ang usaping ito dahil sa kasalukuyang climate crisis.

Ipinaalala ko sa delegates ang kahalagahan ng funding­ na kailangan upang ma-implement ang green infrastructure. Ang pagsusulong ng “green recovery” ay mahalaga para magkaroon ng mas malawak na pagkilos laban sa climate crisis. Kapag naitayo ang mga bagong green buildings at sustainable infrastructure, lumalaki ang oportunidad para magkaroon ng mas maraming projects laban sa climate change.

Dito sa Makati, malaki na ang naging improvement sa pagtatayo ng green buildings. Sumusunod tayo sa Green Building Code ng bansa na nagsasaad na dapat lahat ng bagong construction ay mas “ecofriendly.” Ito ay isang malaking hakbang upang matulungan ang ating bansa na ma-lessen ang climate impact. Gumagawa na rin tayo ng sarili nating Green Building Code para lalong mapa­ngala­gaan ang ating environment. Mahalaga na nirerespeto natin ang mga protocols para masigurado na lahat ng bagong construction ay ecofriendly.

Malaking bahagi rin ng ating improvements ang paki­kipatulungan natin sa mga lokal na civil engineers. Ang Philippine Institute of Civil Engineers (PICE) Makati Chapter at Association of Structural Engineers of the Philippines (ASEP) ay nagbabahagi sa atin ng kanilang best practices at nagbibigay ng training sa earthquake engineering at disaster risk reduction. Sa tulong ng civil engineers at ng iba pang mga eksperto ay maa-achieve natin ang isang low carbon future.

Gusto ko ring bigyan ng diin na ang pagtatayo ng ecofriendly structures ay hindi lamang para protektahan ang ating planeta. Ang green buildings ay magbibigay din ng maraming oportunidad para sa mga Makatizen. Magkakaroon ng mas maginhawa at ligtas na lugar para magtrabaho, mag-aral, at magnegosyo.

Noong Friday, July 7, naging virtual speaker naman ako sa paksang “Successful Case Studies of Climate Finance from Cities” sa GCoM National Workshop sa Vietnam. Dito ay proud akong nag-share ng naging karanasan ng lungsod sa public-private partnership (PPP) na nagbigay-daan sa dalawang makabuluhang proyekto: ang Makatizen Card at ang Makati Subway. Bukod sa malaking ginhawang dulot ng mga ito sa pamumuhay ng Makatizens, inaasahang makakatulong sila upang mapababa ang greenhouse gas (GHG) emission sa lungsod. Bahagi ito ng commitment ng Makati na manguna sa climate change mitigation sa bansa at maging sa Asya.

Sa mga international events kung saan ako ay naiimbitahan bilang speaker, lagi kong binibigyang-diin na importante ang partnership sa private sector para sa climate action. Bukod dito, puwede rin namang i-tap ang funding mula sa international organizations at multilateral development banks sa pamamagitan ng grants at loans. Kaya naman walang dahilan para i-postpone pa ang mga effort sa climate action. Kailangan lang talaga ang determinasyon, passion, at sincere commitment para sa adbokasiyang ito.

vuukle comment

ICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with