^

PSN Opinyon

Check modus: Sabwatan ng switik at teller ng banko

UNFILTERED - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

Nagbababala ang BITAG sa publiko, mag-ingat sa modus na kung tawagin ay “Check modus.” Ito ‘yung modus kung saan hihikayatin ka ng isang taong kakilala mo o may moral authority sa’yo na magbukas ng checking account sa banko pero sila ang gagamit ng tseke. Ang mahaba at mabusi­sing proseso, nagagawa nilang simple at madali dahil ka­sapakat nila mismo ang teller ng banko.

Sa oras na makapagbukas ka na ng checking account, kukunin nila ang booklet ng tseke. Gagamit sila ng mga matatamis na salita at pangako para makumbinsi ka na pirmahan na lahat ang blankong tseke. Dahil sila na ang may hawak ng signed blank checks, ia-assume na nila ang identidad mo. Gigisahin ka sa sarili mong mantika. Magugulat ka na lang kalaunan dahil ang mga tseke mo pala, inisyu o ginawang pambayad sa mga transaksyon na hindi mo alam. Malalaman mo na lang na hina-hunting at pinag­ha­hanap ka na pala ng mga pinagkakautangan ng putris na nag-utos sa’yong magbukas ng account.

Tulad ng dalawang biktima ng check modus na mula sa Aringay, La Union. Lumuwas ng Maynila para magsum­bong sa BITAG dahil hindi na nila makayanan ang stress at problema.

Ayon sa biktimang si Julie Ann Picastoste, kinumbinsi raw siya ng kanyang among si Mercy P. Creman na magbukas ng current o checking account sa East West Bank. Katiwala ni Mercy si Julie Ann sa kanyang salon sa La Union. Nang nagbukas daw si Julie Ann ng account sa banko, si Mercy na nagdala sa kanya sa East West bank nasa labas at naghihintay sa kotse. Pero ang pagbubukas ng account ng biktima, nakatimbre at naka-set up na sa isang nagngangalang Joan na teller sa “new account” section. Pirma na lang ni Julie Ann ang kulang.

Entonses, ang tatlong check book o 180 blank checks ni Julie Ann kinuha agad ni Mercy pero pinapirmahan daw muna lahat sa kanya. Nagulat na lang si Julie Ann noong ma­rami na ang tumatawag sa kanya na mga negosyante at sini­singil siya sa utang niyang P1.6-M, P1.2-M, P650,000 at ma­rami pang iba. Si Julie Ann rin daw ang pinagdedeposito ni Mercy sa banko. Sa tuwing magdedeposito, inaabot na lang ang pera kay Joan kasabay ng pakimkim na P2,000 cash. Dahil mainit sa mata sa loob ng banko, minsan sini-send na lang daw sa GCash ang suhol sa teller.

Ganito rin ang ginawa ni Mercy Creman sa supplier niya ng bigas na si Aling Trinidad Gaylo. Ang walang kamuwang-muwang na matanda inutusan niyang magbukas din ng checking account sa banko. Parehong modus, parehong proseso. Ipinalabas at inere namin ang mga sumbong na ito sa #ipaBITAGmo. Naka-upload sa BITAG Official YouTube Channel para maiiwas ang publiko sa ganitong uring modus.

Nagtatago na ngayon si Mercy P. Creman. Ilang beses naming tinawagan para marinig ang kanyang panig subalit hindi makontak ang kanyang mga numero. Manghihimasok na ang National Bureau of Investigation (NBI) La Union para imbestigahan ang sabwatang ito. Dawit dito ang East West Bank na posibleng maikukunsiderang bank fraud.

vuukle comment

BITAG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with