More Power
Pro-customers at its finest ang maitatawag sa ginawa ng More Electric and Power Corporation (More Power) na kusang tumawag sa kanilang mga customers para sabihin na “eligible” ito sa refund ng kanilang bill deposit. Ang Franchise Law ng More Power na nagseserbisyo sa Iloilo City ay nilagdaan ni dating Pres. Rodrigo Duterte noong 2019, ibig sabihin sa dami ng distribution utilities (DUs) sa bansa, ang More Power lang ang sumunud sa itinatakda sa Article 7 ng Magna Carta for Residential Electric Consumers na nagsasaad na ang bill deposit ay kailangang ibalik ng mga DU makalipas ang tatlong taon. May kondisyon kasi ang pagbabalik ng bill deposit, kailangan ay sakto sa oras magbayad at hindi naputulan ng kuryente ang customer.
Maraming nakakasunod sa kondisyon na ito dahil “necessity” ang kuryente. Pero ang tanong nasaan ang bill deposit refund? Hindi naman ibinibigay ng mga DU sa kanilang customers. Kung babasihan sa website ng ilang DU ang nakasaad ay “A customer who has diligently paid his electric bills on or before its due date for three (3) consecutive years can request for the full refund of his bill deposit. This is done by filing a bill deposit refund application”, so malinaw na hindi ito kusang ibinibigay kundi kailangan mag-apply ng customer.
Eto pa ang nakasaad “To facilitate the bill deposit refund, the account owner should present the original official. If the official receipt cannot be found, an affidavit of loss notarized by a registered attorney should be provided. If the account owner is deceased, the representative should provide a death certificate”
Marami sa mga customer ay limot na ang refund na ito at marahil nawala na din ang resibo ng kanilang binayaran na bill deposit. Marami ang napabilib sa ginawa ng More Power, dahil sa kanilang tinawagang customer ang nagulat na may ibabalik sa kanilang pera. Sana lahat ng DUs ay may ganitong kusa lalo at hindi pare-pareho ang bill deposit, nakadepende ito sa laki ng service load na inapply at laki ng kunsumo, may ilan na umaabot ng P10,000.
Sa mga korporasyon at malalaking negosyo ay higit pang mataas, malaking tulong kung ibabalik ito ng mga DU sa panahon ngayon na karamihan sa mga tao ramdam pa ang hagupit ng pandemic. Sa pahayag ng Presidente at CEO na si Roel Castro, nang simulan nila ang pag-refund sa customers “Since we don’t have any intention to use the money, we do not have the intention to keep the money; we do not have the intention of using it for our operation; why keep it when it is already due for return, for the refund to customers?”
Isa pa sa sinabi ni Castro sa naging panayam sa kanya ng mga mamahayag ay hindi umano nagtatanong ang mga customer sa kanilang bill deposit refund at para sa More Power ay hindi na kailangang magtanong dahil kahit hindi ito hingin sa kanila ay sila na ang nagkukusa na magbalik nito.
- Latest