^

PSN Opinyon

Mga babae, bata bakit unang nililigtas sa sakuna?

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

Nu’ng 1852 nabahura ang HMS Birkenhead na nagbi­biyahe ng mga sundalo patungong South Africa. Tahimik nag­tipon ang mga lalaki sa hulihan ng barko, habang ang mga lulang babae at bata ay isinakay sa kaisa-isang lifeboat. Mahigit 440 lalaki ang nalunod, nadaganan o kinain ng pating. Mula nu’n naging unwritten code ang “Birkenhead drill” sa pandaragat. Anang isang peryodista, natural lang na unahin iligtas ang mga babae at bata sa sakuna dahil mahina sila at walang kalaban-laban.

Mas malalim ang dahilan para tiyaking mabuhay ang babae’t bata. Ito’y ang instinct ng tao na ituloy ang lahi. Katibayan nito ang trahedya ng Titanic nu’ng 1912. Maraming­ nabiyudang misis ay nakapag-asawang muli at nagkaanak. Humayo’t nagparami ang mga dalagang naisalba.

May katibayan ito sa sinaunang panahon. Iisa ang ku­wento ni Noah at ang Delubyo sa Bibliya, Koran, Torah at ala­mat ng India, China, Babylon, Sumeria, Toltec, Aztec at Inca. Pinarusahan ng Diyos ang makasalanang sibilisasyon. Pero inatasan si Noah na isama sa Arko ang tatlong anak na lalaki at mga misis nilang apat. Ipinasakay ang pares ng lahat ng hayop. Paghupa ng baha, sumibol muli ang sangkatauhan.

May mga amasona sa bawat lahi. Dinakila sila sa ancient Greece. Ehemplo rin sina Gabriela Silang kontra Kastila, mga Mora kontra Amerikano, at mga babaing Vietcong nu’ng dekada-70. Pero lalaki kalimitan ang isinasabak sa giyera. Kinu­kubli ang mga babae’t bata para matuloy mabuhay ang lipunan maski malipol lahat ang mga sundalo.

May katibayan din sa modernong agham. Mula sa ina minamana ng bata ang karamihan ng katangiang pisikal at ugali. Sa genetics, ito’y dahil sa chromosomes. Ang sex chromosomes ng babae (ina) ay “XX”, ang sa lalaki ay “XY”. Bawat tao ay may 23 pares ng chromosomes o 46 lahat, sa katawan. Bawat chromosome ay binubuo ng libu-libong genes. Kung maubos ang babae, patay na ang lahi. Dahil sa genes at chromosomes, nagkakaroon ng ari ng lalaki at babae. Hindi nabubuntis ang lalaki.

SOUTH AFRICA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with