^

PSN Opinyon

Trish Manalang: Pinay Au Pair sa Germany

PINOY OVERSEAS - Ramon M. Bernardo - Pilipino Star Ngayon

Kakaiba ang mga tinatawag na Au Pair  sa ibang bansa tulad sa Europe. Sa wikang Pranses, ang ibig sabihin ng au pair ay “magkapantay.” Matagal nang umiiral sa naturang mga bansa ang au pair.  Ang pumapasok na Au Pair ay ginagawang miyembro ng pamilyang tumatangkilik sa kanya o host family. Hindi sila iyong tradisyunal na kasambahay o katulong.  Pero nagiging daan ito para sila makapangibang-bansa at magkaroon ng oportunidad na umasenso sa buhay.

Isang klase ng cultural exchange program ang au pair na ayon sa Wikipedia ay isang katulong mula sa ibang bansa at nabubuhay bilang bahagi ng host fami-ly.  Tumutulong ang au pair sa pag-aalaga ng mga bata sa isang pamilya at sa mga magagaan na trabahong bahay pero hindi siya maituturing na empleyado. Binibigyan siya ng kanyang host family ng pera at ibang benepisyo para sa pansarili niyang gastos at ibang pangangailangan at hinahayaan siyang mag-aral. Natututuhan ng au pair at ng kanyang host family ang kani-kanilang kultura sa isa’t isa. Dapat din marunong ang Au Pair ng lengguwahe ng kanyang host family.

“Hindi po kami domestic worker sa Europe. Iba po ‘yung cleaning lady, iba rin ang  babysitter and iba rin po ‘yung caregiver,” diin sa isang panayam ng 24-anyos na Pilipinang si Vianna Patrisha Manalang na isang bagong au pair sa isang pamilyang Aleman sa lugar na malapit sa Mannheim sa bansang Germany.

“Dito sa Germany, isang taon lang siya (ang pagiging au pair). Kaila-ngang manirahan ka sa bahay ng host family, alamin ang araw-araw nilang buhay, kultura, pagkain, at meron kang tsansang matutuhan ang kanilang wika sa pamamagitan ng language course at lalo na sa pagsasalita araw-araw. Libre ang tirahan at pagkain na merong allowance alinsunod sa batas ng Germany. Tutulong ang au pair sa pag-aalaga ng bata at magagaan na gawaing-bahay. Maglilinis siya ng kuwarto ng bata pero hindi po pwede ‘yung lalabhan mo ang mga damit ng parents, ganon o magga-gardening ka. As in light household chores lang po talaga siya. ‘Yun po ‘yung ginagawa ko ngayon while learning their language po,’ sabi ni Manalang na kilala sa palayaw na Trish ng kanyang sariling pamilya at mga kaibigan sa Pilipinas.

Pahapyaw na ibinahagi ni Trish sa wikang Ingles ang karaniwan niyang ginagawa sa bahay ng kanyang host family. “Araw-araw naghahanda ako ng almusal ng mga bata. Then pag-Martes, nagba-‘vacuum’ ako ng rooms nila, Wednesday – naglalaba ako ng damit namin, thursday vacuum po ako ng kwarto and cr ko. Friday, vacuum ng common areas. Tapos sa hapon nakikipaglaro sa mga bata after ng Kindergarten nila. Yes po, magkasabay kami kumain, kung ano ‘yung kinakain nila ‘yun din po ‘yung kinakain ko, pagpupunta sila Restaurant isinasama ako. Pag-oorder ng food, tinatanong nila anong gusto ko. Once a week nagluluto ako ng lunch namin. Ako rin po nago-grocery ng mga ingredients ng lulutuin ko. Fave nila ‘yung lumpiang shanghai pati giniling.”

Minsan sa isang linggo, ipinagluluto niya ng Asian/Filipino food ang kanyang host family para matikman nila. “Then ayun po, I get to know the German way of life kasi everyday nga po ako nakatira sa kanila, may mga food na in-introduce po sila sa akin. ‘Yung mga festivals na sini-‘celebrate’ nila, mga ganyan po. Minsan ‘pag may special occasion like nung Easter po tinanong nila paano sini-celebrate ‘yung Easter sa ‘Pinas tapos ako rin po nagtatanong paano nila sini-‘celebrate’ rito.”

Nakakalabas din siya tuwing weekend para mamasyal sa iba’t ibang lugar sa Germany o makipagkita sa mga kaibigan niya. Nakikipag-video call din siya sa kanyang pamilya sa Pilipinas.

Mataas din naman ang pinag-aralan ni Trish. Nagtapos siya ng Bachelor of Arts major in Communication Arts sa Philippine Women’s University.

Paano siya nakapasok bilang au pair?

Pagkagradweyt ni Trish sa kolehiyo, nagtrabaho siya ng tatlong taon bilang Claims Executive sa isang healthcare company sa Pilipinas. Habang nagtatrabaho, nag-aral siya ng salitang Aleman sa isang language school noong 2021 nang matuklasan niyang mas mataas ang sahod kapag marunong ka ng iba’t ibang wika. Nagkainteres siya sa bansang Germany.

Naghanap siya ng Facebook group na kunektado sa Germany. Ninais niyang malaman ang history o kung ano man meron sa Germany dahil nanghihinayang siya kung ang lengguwahe lang nito ang aaralin niya. Dito niya natuklasan ang tungkol sa au pair, sa mga naghahanap ng au pair at sumama siya sa mga au pair group sa Facebook. Nagsaliksik at nagtanong-tanong siya hinggil dito dahil batid din niya ang nagkalat na mga scam at fraud sa social media at ang ilang sensitibong isyu tulad ng ilang kaso ng pang-aabuso sa mga au pair.  Habang nag-aaral siya ng salitang Aleman, nakahanap siya ng host family sa Germany na kumuha sa kanya noong Agosto 2022. Nakatulong ang dati niyang titser para makakita ng ahensiya sa Germany na may kaugnayan sa au pair.

Ginamit niya ang naipon niyang pera sa mga gastusin, sa mga papeles tulad ng sa language course, visa processing, sertipikasyon ng Commission on Filipino Overseas hanggang sa makalipad siya papuntang Germany noong Oktubre 2022. Suportado siya ng kanyang mga magulang sa bawat desisyong ginagawa niya.

“Nagkainteres po ako sa pag-au-‘au pair’ kasi cultural exchange program siya. Para sa akin masaya po maka- experience at malaman ang ibang culture. Mas mamumulat pa po ako sa mga nangyayari sa ibang mundo hindi lang sa Pilipinas. At for sure po na mas marami rin ako matututuhan dahil sa program na ito,” paliwanag ni Trish na nagsabi pa na balak pa niyang mag-aral pagkatapos ng au pair at kung magkakaroon ng pagkakataon ay magtrabaho sa Germany na pahiwatig na magtatagal pa siya roon.

Ano ang maipapayo niya sa mga gustong maging au pair?

“Kung ako po ‘yung tatanungin, ‘yung pagiging au pair is not for the faint-hearted people. It takes a lot of courage to be an au pair. ‘Pag nasa ibang bansa kasi ‘yung crab mentality is mara-ming pera at maganda ang buhay. In reality, hindi laging maganda ang buhay at maraming pera ‘pag nasa ibang bansa ka as a foreigner,”  paliwanag ni Trish.

Idiniin ni Trish na ang au pair ay hindi trabaho kundi isang cultural exchange program. Makakatanggap ka lang ng allowance na kailangan mong tipirin o ipunin. Pero makakabiyahe ka sa buong Europe o ibang kontinente kung makakatagpo ka ng galanteng host f“Pero, iyong pagiging au pair, hindi palaging masaya, may times masusubok ‘yung patience mo, ‘yung courage mo, ‘yung homesickness mo, ‘yung pag-a-adapt mo sa culture and language. If graduate ka ng mabibigat na course sa Pilipinas like engineering or accounting, huwag ka mag-expect na magagamit mo ‘yun sa pagiging au pair mo. Very different ang au pair since it’s a cultural exchange program but it would give you opportunities. It will open a lot of opportunities. Hindi madali pero masayang experience ito,” dagdag ni Trish. [email protected]

vuukle comment

AU PAIR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with