^

PSN Opinyon

Ano’ng mapapala nila sa con-con?

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

Ininterbyu ko kamakailan si kaibigang Rep. Rufus Rod­riguez tungkol sa panukalang constitutional convention. Una kong tanong ay kung ibabawal ang pagtakbo ng political dynasts bilang delegado sa con-con.

Sagot ng chairman ng House Committee on Consti­tutional Amendments: “Kahit sinong mamamayan na nasa hustong edad, pati political dynasts, ay maaring kumandidato. Karapatan nila ‘yan.”

Agad tinabangan ako sa con-con. Walang mapapalang reporma dito. Malamang pa ngang lumala ang kalagayan ng bansa.

Oo nga’t karapatan ninoman sa 1987 Constitution na humalal at mahalal. Pero utos din nu’n na alisin ang political dynasties. Ito’y para magka-oportunidad lahat na mapuwesto sa gobyerno.

Utos din ng Constitution na isabatas ng Kongreso ang pagbawal sa dynasties. Pero 36 taon na, hindi pa ito gina­gawa.

Ang dahilan: Karamihan ng kongresista ay dynasts. Ayaw nila harangan ang sarili, asawa, anak, magulang at kapatid sa puwesto.

Negosyong pampamilya na ang politika. Ginagawa lahat, pati pandaraya para mapuwesto sila-sila. Bilyong-piso ang pinupuhunan. Bilyong-piso rin ang kinukurakot mula sa kaban ng bayan. Wala tuloy natitira para sa kapakanan ng madla.

Paulit-ulit inuulat ang tatlong kambal na suliranin: Poli­tical dynasticism-inequality-corruption. Puksain mo kahit ano sa isa at mabubura ang dalawa pa.

Pagkakataon na sana ang halalang con-con na buwagin ang dynasts kung ibawal sila mag-delegado. Mag­kakapantay-pantay sa lipunan; malilinis ang kalakaran.

Pero dahil papayagan sila mag-delegado, lalala ang sistema. Sa botohan pa lang sa panukala, 301 ang yes, 7 ang no, 0 abstain, at 4 absent.

Asahan na sa con-con ay pahahabain ng dynasts ang termino nila; aalisin pa ang mga limitasyon. Mas matinding ligaya nila.

vuukle comment

CONSTITUTIONAL CONVENTION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with