^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Mga bata ay mapupurol at nababansot

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Mga bata ay mapupurol at nababansot

Napag-iiwanan ang mga Grade 4 students sa kumpetisyon sa Science at Math, ayon sa isinagawang assessment ng Trends in International Mathematics and Science Study (TIMSS) dalawang taon na ang nakararaan. Nakaiskor lamang umano ang mga Pilipinong estudyante ng 297 sa mathematics at 249 sa science, na ma­ituturing na “napakababa” kumpara sa ibang nag-par­tici­pate na bansa. Nanguna ang Singapore sa iskor na 625 (science) at 595 (math).

Mahina rin ang mga estudyanteng Pilipino sa reading comprehension sa isinagawang Programme for International Student Assessment (PISA) noong 2018. Sa 79 na nakipag-participate na bansa, ang Pilipinas ang may pinakamababang iskor. Ang PISA ay nag-eeksamin sa kakayahan ng mga estudyante sa buong mundo hindi lamang sa reading apprehension kundi pati rin sa mathe­matics, at science.

Hindi pa nagsasagawa ng bagong assessment sa mga estudyante sa larangan ng science, math at reading­ apprehension sa nakalipas na dalawang taon dahil marahil sa pandemya. At kung magkakaroon muli ng assessment, maaring mababa na naman ang makukuha ng mga kaba­taang estudyante.

Malaki naman ang kaugnayan ng malnutrisyon sa ipi­nakikitang “kahinaan” ng mga bata sa larangan ng science, math at reading comprehension. Kapag malnourished ang mga bata, asahan nang mapurol din ang utak. Ang wastong nutrisyon ay malaki ang papel sa pag-unlad ng kaalaman ng mga bata.

Nakagugulat ang report na malaki ang problema ng bansa sa malnutrisyon. Hindi lamang ang pagkapurol ng utak ang apektado kundi nababansot o napipigilan ang paglaki ng mga bata. Ayon pa sa report, tinatayang may 1-milyon ang bilang ng mga batang bansot sa bansa. Ayon sa Expanded National Nutrition Survey (ENNS), mataas ang insidente ng pagkabansot sa mga bata dahil sa malnutrisyon.

Noong Miyerkules, inilunsad ni Pres. Ferdinand Marcos Jr. ang P10 bilyong programa para masolusyunan ang problema sa malnutrisyon. Pamamahalaan ang programa laban sa malnutrisyon ng Philippine Multisectoral Nutrition Project at ipatutupad sa 29 na probinsiya na mataas ang bilang ng mga batang bansot. Kasama rin sa programa ang mga buntis at nagpapasusong mga ina.

Maraming bata ang napapabayaan at hinahayaan na lamang na sagasaan ng malnutrisyon. Maraming kawawang bata na hindi sapat o halos wala nang nutrisyon na nakukuha dahil sa kadahupan ng buhay. Apektado ang mga bata ng nangyayaring katiwalian na halos mga matatakaw na opisyal ng gobyerno ang nagkakalaman ang sikmura.

Nawa ang programa laban sa malnutrisyon ay magkaroon ng katuparan. Kawawa ang mga batang biktima ng malnutrisyon.

TIMSS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with