^

PSN Opinyon

EDITORYAL - ‘Scrap ship’

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - ‘Scrap ship’

Kumalat na ang natapong langis mula sa MT Princess Empress sa maraming bayan sa Oriental Mindoro at pinangangambahang pati sa Puerto Galera ay umabot na rin. Kahapon, nakaabot na sa Calapan City ang oil spill. Maraming residente naman ng Pola ang nabigyan ng ayuda ng Department of Social Welfare and Development (DSWD). Ang Pola ang pinakamatinding nasapol ng oil spill makaraang lumubog ang tanker noong Pebrero 28 sa baybayin ng Naujan. Ang Naujan ay katabing bayan ng Pola. Maraming mangingisda ang nawalan ng ikinabubuhay makaraang ibawal ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na huwag munang pumalaot. Marami rin ang nagkasakit na sa Pola makaraang makalanghap ng masangsang na amoy mula sa dagat. Nangangamba ang mga taga-Pola na pagtumagal pa ang oil spill, magugutom na sila.

Nang kapanayamin si Pola Mayor Jennifer Cruz sa telebisyon, sinabi nito na apektado na ang kabuhayan ng kanyang constituents. Bukod dito, pati ang kanilang turismo ay nasira rin. At ang ikinadidismaya ni Cruz, wala umanong ipinadadalang tulong ang may-ari nang lumubog na tanker sa kanila. Ayon pa sa mayor, hindi biro ang tumapong langis at ang kanyang bayan ang napuruhan.

Mahigit 800,000 litro ng industrial fuel oil ang karga ng MT Princess Empress. Patungong Iloilo ang tanker galing Bataan nang magkaaberya at lumubog. Hanggang sa kasalukuyan, patuloy pa ang pagtapon ng langis mula sa tanker. Gumagawa ng paraan ang Philippine Coast Guard kung paano makokontrol ang pagtapon ng langis mula sa tanker.

Ang nakapanlulumo ay ang natuklasan ng Department of Justice na scrap ship at dalawang beses nang ginawa bilang isang tanker ang lumubog na MT Princess Empress. Ayon kay Justice secretary Jesus Crispin Remulla, mayroong misinterpretations sa kondisyon ng barko. Sinabi umano ng may-ari sa DOJ at Philippine Coast Guard na dalawang taong gulang lamang ang tanker. Sabi ng DOJ, na­ngangalap pa ng ibang impormasyon ang gobyerno para sa posibleng pagsasampa ng reklamo sa tanker.

Imbestigahan pa ang may-ari ng MT Princess. Malaking perwisyo ang idinulot nang paglubog hindi lamang sa kabuhayan kundi sa kalikasan.

PRINCESS EMPRESS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with