^

PSN Opinyon

Dumukot sa 34 missing sabungeros, iisang grupo! —Col. Fajardo

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

TINUTUMBOK sa ngayon ng Task Force Sabungeros na iisang grupo lang ang mga suspects sa pagdukot sa 34 missing sabungeros, ayon kay PNP spokesperson Col. Jean Fajardo. Sinabi pa ni Fajardo na nagkaroon na ng leads ang Task Force kung sino ang nag-utos sa pagdukot sa mga sabungeros, na inakusahang sangkot sa pandaraya o tiyope. Paktay! Hehehe! Kaydali namang hulaan kung sino ‘yan, di ba mga kosa kong adik sa sabong? Dipugaaaaa!

Mapapadali naman ang pagkahuli nitong anim na se­curity guards na nasa likod ng pagdukot ng mga missing­ sabungeros sa Manila Arena matapos magpakalat ng posters nila ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa buong Pinas. Tinutugis sa ngayon ng mga bataan ni CIDG director Brig. Gen. Romeo Caramat sina Julie Pati­do­ngan alyas Dondon, 41; Mark Carlo Zabala, 29; Roberto Matillano, 54; Johnry Consolacion, 33; Virgilio Bayog, 44, at Gleer Codilla, alyas Gler Cudilla.

Nagtago ang anim mataps maglabas ng arrest warrant ang korte sa kasong kidnapping and serious illegal detention na isinampa laban sa kanila sa pagdukot ng mga sabungeros na missing pa hanggang sa ngayon. Ang poster ay may mga detalye ng pagkakilanlan ng anim na security guards ng Manila Arena na pag-aari ng gambling lord na si Charlie “Atong” Ang.

Nagpalabas din ng P6 milyon reward laban sa anim si Justice Secretary Boying Remulla kaya’t maraming Pinoy tiyak ang maganyak na ituro ang kinaroroonan nila. Eh di wow! Sa panahon na nagtaasan ang presyo ng pagkain, abayyyyy sinong Pinoy naman ang hindi maengganyo na isuplong itong anim eh nangako naman sina Remulla at Caramat na itatago ang pagkakilanlan ng mga testigo? Dipugaaaaa! Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?

“Kami ay umaasa na sa pamamagitan ng mga posters na ito at sa impormasyon na magmumula sa ating mga kababayan ay mapapabilis natin na matutunton ang kanilang pinagtataguan at agarang pagkahuli ng mga akusado,” ani Caramat. Itong posters, ayon kay Caramat, ay ipapaskil ng mga CIDG at iba pang PNP units sa mga places of convergence, social media at website ng kanyang opisina para madaling makita ng mga Pinoy.

Hinimok din ni Caramat ang publiko na ireport kaagad ang lugar kung saan nagtatago ang anim para mapabilis ang pagbigay hustisya sa pamilya ng mga biktima nila. Mismooooo! Hehehe! Malapit na magbayad ng utang itong anim, no mga kosa? Dipugaaaaa!

Itong kaso sa Manila Arena ay isa lamang sa walong pagdukot ng mga sabungeros na iniimbestigahan ng CIDG. Ang isa pa na ang biktima ay si Ricardo Lasco, na master agent din ng World Pitmaster Cup (WPC) ni Atong Ang ay may tatlo ng pulis na sumuko. Abangan!

vuukle comment

JEAN FAJARDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with