PDEG operatives, nag-aaway sa 990 kilos na shabu!
Flash Report: Malakas na sampal sa mukha nina Cavite PD Col. Christopher Olazo at Cavite City Mayor Denver Chua ang pagbabalik ng sugal sa carnival ni alyas Noime sa Cavite City. Humahangos na nagreport ang kosa ko na nagbukas si Noime nitong Biyernes ng apat na lamesa na color games at isang drop ball. Tama ang kutob ko na “hingi huli” o “palabas” lang itong pagdampot ng intel ni Col. Olazo sa pitong katao sa drop ball ni Noime noong Lunes. Eh di wow! Lumang estilo na ‘yan, di ba Sgt. Jun Chan na bayaw ni ex-House Speaker Lord Velasco Sir? Hehehe! Mahirap talagang iwasan ang kinang ng pitsa ni Noime ‘no Col. Olazo at Mayor Chua Sirs? Dipugaaaaa!
* * * * * *
Sipag at tiyaga ang puhunan ng PDEG operatives para natunton ang 990 kilos ng shabu sa Abad Santos, Manila ng nakaraang linggo. Kaya lang, imbes na magdiwang dahil history itong accomplishments nila, abayyyyy nag-aaway ang mga PDEG operatives sa ngayon. May mga opisyal kasi na gustong isalba si M/Sgt.Rodolfo Mayo at mayroon ding patawan siya ng kaso at managot sa sinapian niyang “demonyo.” Ang masama lang, may mga inosenteng opisyal na nadawit sa kaso.
Kapag hindi nasawata ni PNP chief Gen. Junaz Azurin ang away ng PDEG operatives, abayyyyy mapapahiya ang kanyang liderato at bubulusok pababa ang imahe ng kapulisan. Dipugaaaaa!
Nagsimula ang operation ng PDEG noong Setyembre 27 nang ikasa ng asset ang pagbili ng dalawang kilo ng shabu na nagkakahalagang P2.4 milyon sa isang drug syndicate. Matapos matanggap ang bayad sa banko, inabot ng courier ang epektos sa asset. Subalit bago mangyari iyon, nakita ng mga pulis na may kausap ang courier na naka-Montero. Get’s n’yo mga kosa?
Kaya lang, pagpikit ng mga pulis, abaaa nawalang bigla ang Montero. Inikot ng mga pulis ang buong Maynila at sa sobrang suwerte naman ay nakita nila ang Montero na nakaparada sa harap ng isang MPD lending firm sa Abad Santos. Halos isang linggo ring minanmanan ng mga pulis ang Montero subalit hindi ito umaalis, ayon sa mga kosa ko sa PDEG.
Inutusan ng mga pulis ang kanilang asset na bumili uli ng 2 kilo at nagbayad uli sa banko. Pagkalipas ng ilang oras, may lumabas na lalaki sa building, na naka-mask at sombrero at sumakay sa Montero. May bitbit itong maliit na paper bag.
Habang sinusundan nila ang Montero, nagdesisyon ang mga pulis na harangin na ang sasakyan at dun nila natuklasan na ang paper bag ay may laman na shabu. Nagulat pa ang mga pulis nang matuklasan na ang hinuhuli nila ay isang pulis din. Araguuuyyyyy! Kuwarta na naging bato pa, di ba mga kosa?
Nagtipun-tipon na ang mga opisyal ng PDEG sa area at nag-uusap kung anong aksiyon ang gagawin kay Mayo. Subalit habang nagdedebate sila, pinasok ng mga pulis ang building at natuklasan nila ang sangkaterbang shabu sa mga drawer ng lending firm. Nagmukhang bodega ng drug syndicate ang inuupahang building ni Mayo. Eh di wow! Abangan
- Latest