^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Basura sa Dolomite Beach

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Basura sa Dolomite Beach

Hanggang ngayon, marami pa ring basurang nakukuha sa Dolomite Beach. Noong isang araw saku-sakong basura ang nakuha. Kahit araw-araw ay linisin ang kontrobersiyal na beach, marami­ pa ring basurang plastic ang sumasadsad dito. Ang mga basura ay galing sa estero, ilog, sapa sa Maynila at mga bayan na nakapaligid sa Manila Bay. Ang Dolomite­ Beach ay kabilang sa Manila Bay beautification project ng nakaraang Duterte admi­nistration na ginastusan ng P389 milyon. Tinam­bakan ng puting buhangin na galing pa ng Cebu beach para magmistulang Boracay. Hinakot ng mga barge ang puting buhangin patungong Manila Bay.

Noong nakaraang taon binuksan sa publiko ang Dolomite Beach sa kabila na may pandemya. Maraming nag-picture-picture. Dinagsa at pinagkaguluhan ng mga tao na nasabik makaraang ma­kulong sa lockdown. Hanggang sa isara muli dahil maraming lumalabag sa health protocols. Ang iba ay walang face mask at dikit-dikit ang mga tao na para bang walang nanalasang virus.

Ngayon ay pansamantalang sarado ang beach dahil marumi. Nang manalasa ang Bagyong Karding, toneladang basurang plastic ang inanod sa dalampasigan. Ang maputing buhangin ng beach ay na­ngitim na dahil sa nakatambak na mga basura.

Mga basura na gaya ng single-use plastic, sachet ng shampoo, 3-in-1 coffee, cup ng noodles, plastic bottle ng softdrinks at iba pa. Ang mga basura ay iniluwa ng mga ilog, sapa at estero sa Manila Bay. Gina­wang basurahan ang karagatan ng mga walang disiplinang mamamayan.

Pinagtutulungang linisin ng mga tauhan ng Metro­ Manila Development Authority (MMDA) at Depart­ment of Environment and Natural Resources (DENR) ang baybayin ng beach.

Nakadidismaya lang na pagkaraang gastusan ng milyon ang Dolomite Beach, magiging sadsaran­ lang pala ng basurang plastic. Hindi rin mapakina­bangan dahil kailangang linisin para gawing pas­yalan. Magkaroon ng kampanya ang DENR at MMDA na maghigpit sa pagtatapon ng basura para hindi maging bagsakan ang ginastusang beach.

Isang suhestiyon na kapaki-pakinabang ay taniman­ na lang ng mga bakawan ang paligid ng beach para magkaroon ng harang sa mga inaanod na basura­.

DOLOMITE BEACH

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with