^

PSN Opinyon

Cooperate or evaporate?

UNFILTERED - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

Sinong hindi mapapakamot-ulo sabay iling kapag nalaman mong nangunguna sa listahan ang Pilipinas sa mga kaso ng child exploitation at pornography?

Kamakailan, nagkaroon ng inter-agency­ press confe­rence sa Malacañang ang mga matataas na government officials upang magdeklara ng giyera laban sa online sexual exploitation of children (OSEC).

No better term but “war” o “giyera”.

Saksi ang BITAG sa mga barubal na kaso na ito kung saan ang mga biktima ay mga batang walang kamuwang-muwang. Ilang kinabukasan na ang nasira at nasayang dahil sa talamak na child exploitation sa ating bansa.

Nakausap mismo ng BITAG si Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin “Boying” Remulla. Ayon kay Sec. Boying, ang kasalukuyang standing ng ating bansa pagdating sa krimen na ito ay isang “source of shame”. Tunay nga naman na nakakahiya na maging Top 1 pagdating sa ganitong kabalastugan.

Ayon kay Remulla, tila naging imahe at kultura na ito ng ating bansa kaya dapat na agad mawakasan ang pang-aabuso sa mga bata.

Panawagan ni Remulla, dapat makipagtulungan ang mga internet service providers (ISPs) at telecommunication­ companies dahil pati sila ay maaring masampahan ng kaso kung mapatunayang hindi nakikipagtulungan sa gob­yerno. Paalala pa lang daw ito dahil kung magmatigas daw at hindi gampanan ng tama ang kanilang mga trabaho—mukhang ang mga malalaking kompanya makakatikim ng kalaboso.

Department of Justice na ang nagsabi, makipagtulungan daw kayo!

Sa sobrang seryoso ng gobyerno sa giyera na ito, na­ka­­abang na raw ang mga kulungan ng Bureau of Jail Ma­nagement and Penology at Bureau of Corrections.

Pati international agencies tulad ng Federal Authorities sa U.S. at mga kapulisan ng Europa ay makikiisa.

Naniniwala ang BITAG na ang pagkilala sa ganitong klaseng problema ay magandang umpisa nang matinding paglaban sa mga child abusers and perpetrators.

Malayu-layo pa ang tatahaking laban ng gobyerno upang tuluyang masugpo ang mga nasa likod ng krimen na ito.

Cooperate or else evaporate!

vuukle comment

PORNOGRAPHY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with