^

PSN Opinyon

Mga lupang agricultural ginawa nang subdibisyon  

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

RAMDAM na ang pagtaas ng presyo ng asukal sa pamilihan matapos na bumaba ang suplay. Nitong nagdaan taon, halos sunud-sunod na nilumpo ng mga bagyo ang mga taniman ng tubo sa Western Visayas at ilan pang lugar sa bansa kabilang na ang Batangas na pangunahing nagtatanim ng tubo. Idagdag pa rito ang walang humpay na pagtaas ng mga produktong petrolyo kaya tumaas ang abono, pesticide at maging transportasyon. Kaya may ilan sa ating sugarcane planters ay napilitang bawasan ang kanilang pagtatanim ng tubo at sa halip ay tinaniman na lang ng mais at root crops.

Dahil nga sa kakulangan ng tanim na tubo hindi malayong kakapusin talaga tayo ng asukal sa hinaharap. Kaya habang may nalalabi pang supply ng asukal sa merkado halos hindi na mapigilan na umabot sa P100 kada kilo ang asukal. Batid naman natin na isa sa pangunahing sangkap ang asukal sa ating pagluluto at mga inumin.

Kaya may panukala ang Department of Agriculture na gawing P90 kada kilo ng asukal upang abot kaya ng mga mamimili. At nais ng DA na mag-import na naman ng 300 metric tons ng asukal upang punan ang kakulangan­ ng asukal sa bansa. Nawa’y hindi ito masamantala ng mga buwitre sa Bureau of Customs (BOC).

Ito ang inaabangan ng big time smugglers sa BOC na may mga kakutsaba sa DA. Kung sabagay mabigat ang tagubilin ni President Ferdinand Marcos Jr sa mga kawani ng pamahalaan na sisibakin niya sa puwesto ang mga nakikisawsaw sa smuggling.

Samantala, may kakulangan ng mga trabahador sa tubuhan o sakada sa Western Visayas. Mula umano nang mabigyan ng 4Ps ang mga mahihirap, nahirapan nang mag­hanap ng trabahador sa tubuhan. Hindi na gustong magtrabaho nang mabigyan ng ayuda. Maganda naman ang layunin ng pagbibigay ng 4Ps sa mga mahihirap subalit tila dito na lamang umaaasa ang lahat at halos di na nagbabanat ng buto.

Kung nahihirapan sa paghanap ng trabahador sa tubuhan, mas iniinda naman ng mga may-ari ang pagtaas ng petrolyo, abono at pesticide. Kayat tuloy kung may tanim man silang tubo, mababa na ang kalidad dahil kulang sa abono at pestisidyo. Isa rin umano sa nakadidismaya ay ang pag-convert ng tubuhan sa subdivision ng multi-developers. Kaya hindi malayo na sa darating na panahon, mauubos na ang lupang tinataniman ng tubo at maging ng palayan dahil sa land conversion.

Maraming nananawagan kay President Marcos na imbestigahan ang pagyurak sa mga lupang agrikultural ng bansa. Sa panahon na nahaharap ang bansa sa food crisis dapat lamang isaalang-alang ang lupang taniman nagbibigay ng pagkain sa milyon-milyong Pinoy. Dapat repasuhin ang land conversion upang mapigilan ang pagkamkam ng big time developers na kakutsaba ang ilang local government units (LGUs).

vuukle comment

SUBDIVISION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with