DOJ Sec. Boying Remulla, your honor, bow (2)
IKINUWENTO sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang sistema ng korapsiyon nangyayari sa ilang international airport na sangkot ang mga diumano’y korap Bureau of Immigration people?
Naku ha! Totoo kaya ito? Sabi nga, paano ito gumagana?
Kasunod ng classic passengering play book, ang mga pangalan ng Indian o Vietnamese nationals ay inilalagay sa isang listahan ayon sa mga flight number na naka-book ang mga dayuhang darating sa Philippines my Philippines.
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang listahang ito na tinawag na timbre ay pina-cascade ng mga ulupong sa BI kasabwat ang kanilang mga asong ulol katulad ng mga diumano’y korap duty immigation supervisor at mga korap TCEU members, hanggang sa mga pangunahing inspektor (mga opisyal ng imigrasyon na nakatalaga sa arrival counter). Naku ha! Totoo kaya ito?
Lahat ng mga korap BI personnel ay mga asong ulol nina alyas Abogago at alyas Timbuwang. Kumakawag daw ang mga buntot ng dalawang gagong opisyal tuwing may bagong batch ng mga dumarating na kliyente mula sa mga suppliers. Bakit? Sagot: may malaking pera.
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang bilang ng mga dumarating na kliyenteng ito ay dalawa hanggang 10 pasahero mula sa mga suppliers nila na ang mga sinasalyang mga parukyano nila ay Indian national. Ang mga Vietnamese nationals naman ay kalimitan pumapasok sa chartered flight aircraft na halos okupado naman nito ang seating capacity ng eroplano oras na lumapag sa paliparan.
Ang mga Indian at Vietnamese na kasama sa listahan ay inaasikaso at binibigyan ng maayos na clearance sa immigation arrival counter ng kanilang mga kasabwat sa mafia like syndicate.
Sa pamamagitan ng smooth passage, ang isang opisyal ng imigrasyon na miyembro ng sindikato ay hindi mag-iimbestiga sa tunay na layunin ng mga darating na kliyente sa paglalakbay at kapasidad sa pananalapi upang makapaglakbay, o tingnan ang kanyang mga tiket sa pagbabalik, hotel booking at iba pang kredensiyal. Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang mga pasaherong kasama sa listahan ng timbre ay hindi na rin sumasailalim sa secondary inspection.
Kapos ang espasyo ng Chief Kuwago!
Abangan.
- Latest