^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Sanlibong tanong sa P1,000 polymer bills

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Sanlibong tanong sa P1,000 polymer bills

Nakahanay na ang Pilipinas sa mga bansang gumamit ng polymer bills. Napag-iwanan na nga raw ang Pilipinas sa paggamit ng ganitong klaseng pera. Maski ang Sri Lanka na nagkakagulo ngayon dahil sa pagbagsak ng kanilang ekonomiya ay matagal nang gumagamit ng polymer. Lahat nang bansa sa Africa ay polymer na rin ang banknotes.

Ang paggamit ng polymer ay isinulong ni dating­ Banko Sentral ng Pilipinas (BSP) governor at nga­yo’y Finance Secretary Benjamin Diokno.

Nang lumabas noong nakaraang linggo ang bagong P1,000 polymer bills, naglutangan agad ang maraming­ tanong sa bagong pera. Unang napabalita na hindi raw ito dapat tupiin dahil masisira. Kailangan ay plan­tsadong nakalagay sa pitaka. Hindi rin daw dapat maarawan dahil kukupas ang kulay.

Marami pang katanungan sa bagong P1,000 bill. Pero ang pinakamatinding tanong ay kung bakit ka­ilangan pang palitan ng agila ang tatlong bayani ng World War 2? Mahalaga pa raw ba ang agila kaysa mga bayaning nagbuwis ng buhay para sa bayan? Ang tatlong bayani ay sina Josefa Llanes Escoda, Jose Abad Santos at Vicente Lim.

Si Escoda ay dakilang civic leader, social worker at tagapagtanggol ng mga kababaihan. Siya ang nagtatag ng Girl Scout of the Philippines. Noong Enero 6, 1945, dinukot siya ng mga Hapones, tinorture at pinatay. Hindi na nakita ang kanyang bangkay.

Si Jose Abad Santos ay naging Chief Justice ng Korte Suprema noong Disyembre 24, 1941 maka­raang italaga ni President Manuel  Quezon. Nang tumakas sina Quezon sa Corregidor at nagtungo sa Australia, si Abad Santos ang inatasan niyang maging caretaker ng bansa. Nadakip siya ng mga Hapones sa Malabang, Lanao del Sur. Noong Mayo 2, 1942, pinatay siya nang tumang­ging kilalanin ang gobyer­nong Hapones.

Si Vicente Lim, isang heneral ay nadakip ng mga sundalong Hapones sa Oriental Mindoro. Dinala sa Maynila at ikinulong sa Bilibid. Pinahirapan siya at saka walang awang pinatay noong Enero 15, 1945 sa Manila North Cemetery. Hindi na narekober ang kanyang bangkay.

Sinabi noon ni Diokno, hindi naman daw wina­walang-halaga ang kabayanihan ng tatlo. Kalakaran na rin naman daw ngayon ang paglalagay ng fauna at flora sa pera.

Tama naman siya. Pero puwede namang ilagay ang agila sa P1,000 bill na hindi masasakripisyo ang tatlong bayani. Ba’t kailangang alisin sila? Kumikilos na ang mga senador sa mga pagbabago sa P1,000 bills.

POLYMER BILLS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with