^

PSN Opinyon

Ibalik ang katinuan

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

Ang lalim na ng isinadsad ng bansa dahil sa korapsyon. Sa pagpasok ng bawat bagong admin umaasa ang madla na maiangat ang moralidad.

Anang mga ekonomista, 20% ng taunang national budget ang winaldas nitong nakaraang dekada sa katiwalian at kapalpakan. Kung halos P5 trilyon ang pondo nu’ng 2021, naibulsa at naaksaya ang P1 trilyon. Sayang. Hindi nagamit sa mga proyektong pang-angat-buhay.

Bulto ng korapsyon ay naganap sa Ehekutibo na pinaka-malaking sangay ng gobyerno. Bahagi ng P1 trilyon ay nahigop ng Lehislatura bilang komisyon sa mga walang kuwentang proyekto ng mga mambabatas. Samantala, sa Hudikatura ay bentahan ng kaso.

Marami nang opisyales ang napreso sa pandarambong. Hangad ng madla tugisin ang iba pa. Bago sumumpa bilang Pangulo si Ferdinand R. Marcos Jr., binanggit niya ang pag­lilinis at pagsasaayos ng Dept. of Agriculture at Bureau of Customs. Ikinagalak ito ni paalis na senate president Tito Sotto at ngayo’y oposisyong senador Koko Pimentel.

Kapag bugok ang gobyerno, pati pribadong sektor ay nahahawa. Segun sa “kalakaran”, nanunuhol ang conglome­rates para makalawit ang malalaking proyekto sa public works at utilities. Damay ang suppliers nila. Nanunuhol sa purchasing managers para sa sub-contracts.

Damay din ang mga propesyon. Nagiging ganid ang ma­rurupok sa linya ng medisina, agham, engineering, tek­nolohiya, bangko, sakahan, pandaragat, turismo, kasunda­luhan at pulisya. Nagpapagandahan ng mansiyon, sports cars, alahas. Kalimutan ang serbisyong bayan.

Pati media nahahawa. Sa pagpapapogi ng opisyales at oligarko, sinusuhulan ang mga ehekutibo sa telebisyon, radyo, diyaryo at online. Sining, akademya at simbahan nako-korap din.

Sinubukan ng mga pangulohang Cory Aquino at Fidel Ramos iangat ang moralidad ng lahat. Ang Moral Resto­ration Movement nu’ng panahon ni Aquino ay naging Moral Regeneration Commission sa ilalim ni Ramos. Sayang, hindi naging tuluy-tuloy. Sana masimulan muli.

KORAPSYON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with