^

PSN Opinyon

Mga vendor sa Balintawak market, umalsa!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

MABILIS na kumilos si retired Col. Popoy Lipana, hepe ng Quezon City Market Development para maresolba ang sigalot­ sa pamamagitan ng aabot sa 1,200 vendors at ang tagapamahala ng Balintawak Cloverleaf market. Dahil sa nagtaasan ang presyo ng gasolina, may mala­king posibilidad kasi na tumaas din ang presyo ng bilihin bunga­ sa walang pakundangang pagtaas ng arawang upa ng pu­westo ng mga vendors. Siyempre, saan ba baba­wiin ng mga vendors ang mataas na upa ng puwesto nila kundi sa mamimili. Dipugaaaaa!

Mabuti na lang at nandiyan si Col. Lipana na handang dinggin ang panig ng magkabilang grupo nang sa gayon ay magkaroon ng win-win solution sa sitwasyon at nang hindi na lumala pa ang isyu. Mismooooo! Hak hak hak! Kahit noong aktibo pa sa serbisyo si Col. Lipana eh troubleshooter na talaga ito. Dipugaaaaa!

Nitong nagdaang Huwebes kasi mga kosa, nag-sit­ down strike ng halos tatlong oras ang mga vendors na nagdulot ng malaking epekto sa mga negosyanteng pumapakyaw sa kanilang panindang gulay. Itong Balintawak Cloverleaf Market, kasi mga kosa, ay isa sa pinakamalaking palengke sa bansa na kilala rin sa pagiging “bagsakan” ng mga produktong gulay mula sa Baguio, Pangasinan, Batangas at iba pang probinsiya.

Inireklamo kasi ng tropa ni Miguelito Mangunay, ang presidente ng Balintawak Cloverleaf Market Association­ na kahit noong panahon ng pandemya, tatlong ulit itinaas ng may-aring sina Roberto de Guzman at Judge Miguel Asuncion ang kanilang upa na walang pasabi man lang. Ayon kay Mangunay, tinangka nilang makipagpulong kina De Guzman at Asuncion subalit inisnab sila. Dipugaaaaa!

Ano ba ‘yan? Hak hak hak! Apektado ang rasyon ng gulay sa Metro Manila kapag itinuloy ng mga vendors ang kanilang pag-aklas, di ba mga kosa? Mismooooo!

Inireklamo din ng mga vendors ang pangit na pasilidad sa palengke tulad ng sewerage treatment at kinakapos din ang ilan pang pangangailangan ng mga tindero’t tindera­. Sinabi nilang wala rin umanong naipakitang bagong lease of contract sa mga vendors ang mga bagong may-ari. 

Nabatid na nasa ilalim ng bagong pamamahala ang Ba­lin­tawak­­ Market, ngunit wala umanong pakikipag-ugnayan­ na isinagawa para sa kanila. Totoo kaya ang akusasyon nila na itong Balintawak Cloverleaf Market ay iniimbestigahan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) dahil sa kabiguang magbayad ng buwis? Ano ba ‘yan?  Ang masaklap pa, ayon pa sa mga nagrereklamo, wala rin umanong Market Permit at Business Permit mula sa pamahalaang lokal ng Quezon City. Araguuyyyyy!

Kung sabagay, inamin naman ni Col. Lipana na minsan nang nagtangkang mag-apply ng permit itong palengke subalit hindi naman nangyari! Dipugaaaaa! Abangan!

VENDOR

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with