^

PSN Opinyon

Blacksand mining sa Cagayan

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

Saksi ang mga mamamayan sa walang habas na pagnanakaw ng black sand sa baybayin ng Aparri.

Mga Chinese ang nakikita nilang nagnanakaw ng black sand.

Ang mayor ng Aparri mismo ang nagpapatunay na may black sand mining sa kanyang nasasakupan sa kabila na wala itong permiso mula sa lokal na pamahalaan.

Ngunit pinasusubalian naman ng Mines and Geosciences Bureau Region 2 ang akusasyon at sinabing dredging lang daw ito ng buhangin.

Ngunit ang Simbahang Katoliko sa Aparri ang naninindigang apat na beses nang nakapag-haul ang Chinese vessel Hongchang mula noong huling tatlong buwan ng 2021.

Ang dredger vessel Endeavour 1 ay may kakayahang maglulan ng 8,000 metric tons bawat biyahe at ikinakarga sa Hongchang. Kayang maglulan ng Hongchang ng 64,000 metric tons.

Iba ang nakikita ng mamamayan at mangingisda ng Aparri.  Nag-ooperate ang dredger vessels hindi lamang sa Cagayan River kundi sa dagat malapit sa Babuyan Channel.

Kung river restoration ang pakay ng dredging, bakit nakakaabot sa karagatan?

* * *

Para sa suhestiyon:  [email protected]

APARRI

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with