^

PSN Opinyon

Nais kumita ng milyon, mga batang ‘tulak’ tatanda sa kulungan!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

HUMIGIT-KUMULANG limang buwan na lang at May elections na kaya pinaigiting pa ni Brig. Gen. Remus­ Medina, director ng PNP Drug Enforcement Group (PDEG) ang kampanya laban sa droga para iwasan ang tina­tawag na fund raising ng mga pulitiko. Sa kasalukuyan, wala pang report na natanggap si Medina ukol sa mga pulitiko na sangkot sa fund raising gamit ang droga. Subalit inutusan ni Medina ang lahat ng Special Operations Unit (SOU) na maniktik na maigi para tuldukan na ang naturang praktis dahil nakasisira ito sa kredibilidad ng elections.

Matatandaan na may mga reports na noong mga naka­raang election, ang fund raising gamit ang droga ay pinairal ng mga pulitiko para makakalap nang malaking pitsa nang sa gayon ay may ipamudmod sila sa kanilang mga botante. Dipugaaaaa! Hihihi! Sana matuldukan nang tuluyan ang sistemang ito para ma-level ang playing field sa susunod na mga election sa Pinas!

Kahit abala sila sa pagbantay ng mga pulitiko na ma­aring mag-fund raising sa May elections, tuluy-tuloy lang ang kampanya ng mga bataan ni Medina at nasakote noong Lunes sina Christian Ely Desiderio, 19; Jerico Rayos Torres, 19, at John Andree Santos, 22, sa isang buy-bust operation sa Taguig City kung saan nakumpiska sa kanila ang siyam na kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P61 milyon. Hindi na nakapalag ang tatlong suspects nang makorner ng mga elemento ng PDEG SOU NCR, NCRPO, Southern Police District (SPD), Taguig police at PDEA NCR sa Block 20, Unit D, Barangay Sta. Ana, Taguig City.

Ayon kay Medina, nakuha rin sa tatlo ang P2 milyon na “boodle” money at dalawang celfones. Hihihi! Magandang buena-mano para sa taon 2022 itong huli ni Medina kay PNP chief Gen. Dionardo Carlos, na kasalukuyan ding naka-isolation dahil tinamaan din ng COVID-19, di ba mga kosa? Mismooooo! Dipugaaaaa!

Sinabi ni Medina na ang mga batambatang suspects ay pumasok sa pagbebenta ng droga para kumita nang malaki. Inamin ng mga suspects kay Medina na kapag ibinenta nila ng tingi ang shabu, aabutin ang benta sa mahigit P7 milyon sa kalye dahil tumaas ang presyo ng droga dahil sa kakulangan ng supply sa ngayon.

Ang source ng droga ng tatlo ay sa isang nakakulong na drug lord, at ang report ay kasalukuyang bina-validate ng mga tauhan ni Medina. Kaya imbes na kumita ng milyones, sa kulungan na tatanda ang tatlong suspects. Araguuyyyyy! Hihihi! Kaya mga kosa ko d’yan, ‘wag tularan ang tatlo dahil walang ligtas kayo sa mga tauhan ni Medina. Dipugaaaaa! Abangan!

PNP DRUG ENFORCEMENT GROUP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with