^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Ibinasurang face shields dagdag sa plastic pollution

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Ibinasurang face shields dagdag sa plastic pollution

Hindi na sapilitan ang pagsusuot ng face shield. Kung sino na lang ang may gusto. Ito ay makaraang ipag-utos ng Malacañang noong nakaraang linggo na hindi required mag-face shield sa pampublikong lugar ang mga tao maliban na lamang kung papasok sa mga ospital o clinic. Maski sa mga mall, puwede nang pumasok nang walang face shield. Pati sa mga pampublikong sasakyan gaya ng jeep, bihira na ang mga pasaherong naka-face shield.

Marami ang natuwa sa pag-aalis ng face shield. Para sa iba ay wala namang naitutulong ang face shield para mahadlangan ang virus. Wala naman daw katibayan na nakaka-prevent ito sa pagkalat ng virus. Kinakapitan pa nga raw ng virus ang plastic nito at maaaring mahawakan ng taong may suot nito. Pero sabi ng Department of Health (DOH), malaking tulong ang face shield dahil pangunang proteksiyon ito sa virus. Kung may face shield, hindi mahahawakan ang mukha, hindi makukusot ang mata at hindi makakalikot ang ilong.

Pero mas marami ang naniniwalang sagabal ang face shield. Isang araw makaraang gawing boluntaryo ang pagsusuot ng face shield, marami na agad ang nakitang nakakalat o ibinasurang face shield. Sa kalsada, may mga face shield na nasasagasaan ng sasakyan. Mayroon na ring face shield na inanud-anod sa estero at kanal.

Marami agad ang nagbasura na hindi muna sana. Huwag magmadali sa pagbabasura sa face shields. Puwede raw munang itago ang mga ito ayon sa ilang environmental groups. Hindi naman daw ito masisira kahit abutin ng ilang taon. Mas safe raw na itago kaysa ibasura dahil makakaapekto sa kapaligiran. Dadagdag ito sa mga dati nang basu­rang plastic na hindi natutunaw at nakabara sa mga daluyan ng tubig.

Ang iba ginagawang hollow block ang mga ginamit na face shield. Gaya sa isang barangay sa Quezon City ang ginagawang bricks o hollow blocks ang mga lumang face shield. Dudurugin nang pino ang plastic ng face shield at ihahalo sa kaunting semento at kaunting buhangin. Hahaluin at ilalagay sa hulmahan at patutuyuin. Mayroon nang bricks.

Huwag munang ibasura ang face shields. Itago na lang muna. Mas malaking perswisyo kapag nahan­tong ang mga ito sa estero, sapa, ilog at dagat. Masi­sira ang kapaligiran at lulubha ang plastic pollution.

FACE SHIELD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with