^

PSN Opinyon

Garma, nanawagan sa LGUs na yakapin ang lotto at STL!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

NANAWAGAN si Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager Royina Garma sa mga Local­ Government Units (LGUs) na yakapin ang gaming pro­ducts nila na Lotto at Small Town Lottery (STL) para matu­lungan ang mga malalayong munisipalidad na hindi kayang tumayo sa sarili nilang paa.

Ipinaliwanag ni Garma na maraming LGUs na may kakayahang tustusan ang gastusin ng constituents nila sa panahon ng pandemya subalit mayroon ding ibang kina­kapos sa budget.

Aniya, ang kikitain ng mayayamang LGUs bilang share nila sa Lotto at STL ay maaring hindi na nila kukunin at imbes ipasa ito sa mga munisipalidad na nasa bundok o sa island ng Pinas kung saan malaking bagay ito para sa kanila. Ikinuwento pa ni Garma na may isang munisipalidad sa Samar na binigyan ayuda ng PCSO na P50,000 halaga ng gamot at ang mayor sa lugar ay todo iyak sa pasasalamat dahil malaking tulong ito sa constituents niya.

Kaya sana, ang lahat ng LGU’s sa Pinas ay tanggapin ang Lotto at STL sa lugar nila bilang bayanihan spirit para matulungan ang mga munisipalidad na hindi kayang tustusan ang gastusin o medisina habang ang bansa ay patuloy na inaatake ng COVID-19, aniya. Dipugaaaaa! 

Ginawa ni Garma ang panawagan matapos ipamudmod ang P32 milyon sa LGUs sa Metro Manila at P17 milyon naman para sa Commission on Higher Education (CHED) bilang 1 percent shares nila sa kita ng Lotto at STL mula Hulyo 2019 hanggang December 2019. Iginiit ni Garma na itong shares ng LGUs ay maari nilang gamitin sa kung anu-anong proyekto nila.

Naniniwala si Garma na may patutunguhang magandang samahan ng PCSO at LGUs tungo sa nation building.”PCSO provides funds for projects and charitable activities on a nationwide scale while the LGUs case use the PCSO funds for projects that are beneficial to their respective municipalities, towns and cities,” ani Garma. Hihihi! Kahit bumaba ang kita ng PCSO, walang puknat naman ang pagtulong nila sa mga mahihirap na Pinoy na may sakit, di ba mga kosa? Dipugaaaaaa!

Ang Quezon City sa liderato ni Mayor Joy Belmonte ang may pinakamalaking shares na P15 milyon at tinanggap ito ng representante ng siyudad. Pinasalamatan ni Garma si Belmonte at Caloocan City Mayor Oscar Malapitan dahil sa pagtanggap ng STL sa kanilang mga siyudad. Nalungkot naman si Garma dahil tinanggihan ng Taguig City at Makati City ang STL dahil lamang sa maling akala. Dipugaaaaa! Abangan!

vuukle comment

PCSO

ROYINA GARMA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with