^

PSN Opinyon

Benepisyo sa #ProudMakatizen students, ready for pick-up na!

#PROUDMAKATIZEN - Abby Binay - Pilipino Star Ngayon

Wala nang hahanapin pa ang mga mag-aaral sa Makati dahil pak na pak ang aming inihandang gamit para sa kanila ngayong pasukan.

Ang lahat ng 61,547 mag-aaral mula kinder hanggang senior high school, kasama ang SPED at ALS learners, ay bibigyan ng espesyal na packages na mayroong bag, uniform, rubber shoes, school supplies, at iba pang mahalagang items na kakailanganin nila para sa pag-aaral.

Ready for pick up na ang mga school kits na ito sa kanya-kanyang eskuwelahan. Para sa kaligtasan ng mga bata, mga magulang o guardian na lamang ang kukuha ng kits sa paaralan.

Gaano ba ito ka-espesyal?

Para mag-enjoy ang mga bata sa pag-aaral ay naglabas kami ng bagong disenyo ng school uniform at P.E. outfit, rubber shoes, at bags. Meron ding customized caps para sa Kinder at rain jackets para sa Senior High School.

Ang mga Grade 1 at Grade 4 ay makakatanggap ng customized heavy duty Rondeseru-style elementary bags na dinisenyo para magamit ng tig-tatlong taon sa primary (Grade 1 hanggang 3) at intermediate (Grade 4 hanggang 6). Classy backpacks naman para sa mga nagdadalaga at nagbibinata nating junior high school students.

Siyempre pa, ang pinaka-aabangan ng lahat, ang pamporma at talaga namang IG-worthy naming “AB 4.0” sneakers. Ito ang ika-apat na version ng rubber shoes na unang binansagang “Air Binay” sa social media at hinanga­an (at kinainggitan) ng maraming netizens. Siguradong maglalabasan na naman ang mga shoefie ng ating mga Makatizen students ‘pag natanggap na nila ito!

Hindi mawawala ang mga notebook, lapis at ballpen, papel, at iba pang basic school supplies. Mayroon ding high-quality leather shoes, medyas, dental and hygiene kits, at anti-COVID kits pa sa SPED learners at elementary.

Sa amin sa Makati, all-out kami pagdating sa pagsuporta sa mga estudyante. Mula sa libreng internet at Mobile Learning Hub na umiikot sa mga barangay para matulungan ang mga bata at kanilang magulang sa pagre-research at iba pang proyekto, siniguro namin ng Department of Education-Makati na walang mag-aaral na Makatizen ang mapag-iiwanan ngayong pandemya.

Ginawa namin ang lahat para maalalayan ang mga bata sa kanilang pag-aaral sa pamamagitan ng printed learning modules at educational videos na nakapaloob sa On-The-Go USB.

Para rin lalo silang ganahang magsipag sa pag-aaral, tuloy pa rin ang pamimigay ng cash incentives sa Grade 6 at Grade 12 graduates.

Ang with highest honors ay may P5,000; With high honors, P3,000; With honors, P2,000; at lahat ng iba pang graduates, P1,000. Direkta na itong ipinapadala sa kanilang GCash accounts para ligtas at walang pila sa pagkuha ng kanilang cash gift. Puwede ring kontakin ang Education Department kung nais makuha ang incentive sa ibang paraan. Tumawag sa 8895-6747, 8870-1289/1283/1281 Lunes hanggang Huwebes, mula 8:00 a.m. hanggang 5:00 p.m.

Ready na ang lahat ng gamit, at handa na ang inyong mga teachers at ang kanilang learning modules. Kayo na lang ang hinihintay para simulan na natin ang SY 2021- 2022.

SPED

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with