^

PSN Opinyon

Taksil na misis

IKAW AT ANG BATAS! - Jose C. Sison - Pilipino Star Ngayon

(Last part)

Kumuha ng psychological assessment si Armand kay Dr. Romy Lapuz tungkol sa mga kinikilos ni Cely. Lumalabas na emosyonal na apektado si Armand pero hindi ito sapat para maituring na psychological incapacity. Sa kabilang banda, si Cely ay mayroong Borderline personality disorder pati histrionic disorder. Base ito sa pakikipag-usap ng doktor kay Armand at mga kaibigang sina Elsa at Kiko. Sa tulong nito, nagsampa si Armand ng petisyon sa korte para mapawalang-bisa ang kasal nila ni Cely alinsunod sa Art. 36 ng Family Code.

Sa paglilitis, tumestigo si Armand at ibinahagi ang mga insidente sa buhay mag-asawa nila pati sinumite rin ni Dr. Lapuz ang psychological evaluation ni Armand at Cely sa korte. Pero binasura ng RTC ang petisyon at ang naging pasya ay walang pinapakitang senyales ng psychological incapacity si Cely para sabihin na taglay na niya ito bago sila nagpakasal at walang gamot o solusyon.

Nang dumulog si Armand sa Court of Appeals matapos na hindi pinagbigyan ang kanyang mosyon para sa rekonsiderasyon sa RTC, binaliktad ng CA ang desisyon. Ang pagiging “mabunganga” raw ni Cely pati ang pakikipagrelasyon nito sa mga lalaki at ulat sa kanya ni Dr. Lapuz ay indikasyon ng psychological incapacity at kawalan nito ng kakayahan na gampanan ang tungkulin bilang asawa. Tama ba ang CA?

MALI. Ayon sa Supreme Court, ang ulat daw ni Dr. Lapuz ay hindi katanggap-tanggap na ebidensiya dahil hindi rin kapani-paniwala ang testigo. Wala kasing ibang ebidensiya tungkol sa bigat ng sakit, naunang mga desisyon ng korte tungkol dito at kawalan ng katibayan na hindi ito magagamot. Puro salaysay lang nina Armand, Kiko at Elsa ang ginamit na basehan.

Kahit sabihin pa na may 30 taon na silang magkakaibigan ay hindi naman naipakita na matagal na nilang kilala si Cely para makilala nila ang mga personal na sirkumstansiya ng babae. Mukhang walang alam din si Armand sa personal na pagkatao at pinanggalingan ng misis. Hindi nila alam ang tungkol sa pagkabata ni Cely at kung paano pinalaki ang babae.

Hindi rin daw sapat ang ginawang pagtataksil ni Cely para sabihin na may psychological incapacity ang babae. Sa ilalim ng batas, para mapawalang bisa ang kasal base sa psychological incapacity, dapat ipakita ang koneksiyon o indikasyon na ang pagtataksil ay may kinalaman sa sakit nito.

Dapat ding ipakita na ang psychological disorder ng babae ay hindi lang basta nahihirapan siya o napapabayaan niya ang o ayaw niyang gawin ang kanyang obligasyon bilang misis. Kaya hindi porke “mabunganga” siya o may karelasyon na ibang lalaki ay indikasyon na ito ng psychological disorder. Kaya dapat lang baliktarin ang desisyon ng CA at ibasura ang petisyon ni Armand dahil wala itong basehan (Republic vs. Calingo et. al., G.R. No. 212717, March 11, 2020).

CELY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with