^

PSN Opinyon

Tagumpay sa Tokyo Olympics tagumpay ng bawat Pilipino

DURIAN SHAKE - Edith R. Regalado - Pilipino Star Ngayon

Totoong sa kauna-unahang pagkakataon ay nanalo tayo ng gold, silver at bronze medals sa patuloy na ginaganap na Tokyo Olympics.

Mabuhay ang mga atletang naipanalo ang kani-kanilang events na nagbago sa ating sports history sa loob ng 97 taon mula nang sumali ang Pilipinas sa Olympic. Unang nag-participate ang Pilipinas sa Paris Olympic noong 1924.

Mabuhay rin ang 15 iba pang Pinoy athletes na naging representatives ng bansa sa ibang events na hindi naman pinalad na makasungkit ng medalya ngunit naging maayos at maganda naman ang kanilang performance na hinigitan pa nga nila ang kanilang sariling record.

Ngunit huwag nating kalimutan na sa bawat panalo nina Hidilyn Diaz, gold sa weightlifting, Nesthy Petecio silver sa women’s boxing, Eumir Marcial bronze sa boxing at Carlo Paalam sa boxing din na nanalo ng silver, ay tagumpay ng bawat Pilipino.

Tagumpay nating lahat ito – tagumpay ng buong bansa.

Totoong kinapos sa budget ang ating pamahalaan ngunit ginawa ng Philippine Sports Commission (PSC) ang lahat upang mapaayos ang training ng ating mga atleta. Kaya pumasok naman ang private sector na tumulong din sa funding para sa ating mga atleta.

Ngunit ang dapat nating alalahanin na taxpayers’ money pa rin ang ginamit ng ating PSC at ng pamahalaan sa panggastos sa ating mga atleta.

Kaya, kung anumang tagumpay ang natamo ng ating mga atleta, maraming salamat sa ating lahat na taxpayers.

BRONZE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with