^

PSN Opinyon

Senior citizens sa Mandaluyong, nabakunahan na!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

Sinisiguro ni Mandaluyong City Mayor Menchie Abalos na matatapos nilang  mabakunahan ang 325,000 residente ng siyudad sa darating na linggo. Sa datos na ini-release ng City Hall kahapon, halos 70 percent o 285,000 na residente na nakalista ay nabakunahan na.

Ang maganda sa Mandaluyong, inuuna ni Abalos na bakunahan ang mga senior citizens dahil sila ang mabilis tamaan ng COVID. Sa talaan ng Office of the Senior Citizens Affairs (OSCA) may 29,749 na senior citizens sa siyudad at 25,395 o 83 percent na sa kanilang ang fully vaccinated.

Sinabi ni Bro. Jimmy Isidro, chief of staff ng Mandaluyong City na mayroon pang 759 senior citizens na hindi nakalista sa OSCA ang nabakunahan na rin. Ipinaliwanag ni Isidro na kahit hindi taga-Mandaluyong subalit inabutan sa siyudad ng vaccination ay binabakunahan nila. Ayoossssss ah. Dipugaaaaa!

Ayon kay Isidro, may 450,000 residente ang siyudad subalit 350,000 lang ang nakalistang babakunahan ayon sa regulasyon ng gobyerno. Maaring madagdagan pa ang bilang ng babakunahan sa lungsod bunga sa maraming nakalista na A4 ay manggagawa na hindi taga-siyudad, ani Isidro.

Ang mga tinatawag na frontliners naman ay nabakunahan na lahat. Kada araw, may 14,500 katao ang nababakunahan kayat malakas ang paniniwala ni Abalos na matatapos o 100 percent na ang vaccination program nila sa Huwebes o Biyernes, ayon pa kay Isidro. Kahit ECQ o lockdown ang siyudad, tuluy-tuloy lang ang kanilang vaccination program para makamtan nila ang 100 percent goal nila, ani Abalos.

Hindi lang ‘yan, matindi ang pag-monitor ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Benhur Abalos Jr. sa vaccination program ng Mandaluyong kaya walang dahilan na pumalpak pa sila, di ba mga kosa? Dipugaaaaa!

Nauuna talaga ang Mandaluyong matapos sa pagbabakuna vs COVID.

Itong tagumpay ng vaccination program nila ay ibinahagi ni Mayor Abalos sa programa ng Department of Health (DOH) na «10 Million Fully Vaccinated Filipinos: an Update on the National Program,» na ginanap noong Biyernes sa SM Megamall Mega Vaccination Center.

Ang mga panauhain pandangal ay sina DOH Sec. Francisco Duque III, MMDA chairman Abalos, Presidential Spokeperson Harry Roque, at National Task Force against COVID-19 deputy chief at Testing czar Vince Dizon. Dipugaaaaa! Abangan!

MENCHIE ABALOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with