^

PSN Opinyon

Armas, propaganda, yaman taglay ng Komunistang China

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

DALAWANG Russians ang dumalo sa pagtatag ng Chinese Communist Party sa Shanghai nu’ng Hulyo 1921. Sugo sila ng Communist International, na pakay ang pag­saklaw ng komunismo sa mundo. Ipinatalima nila ang 12 na CCP founders sa Marxismo-Leninismo. Nu’ng dekada-’70 inamin ni Mao Zedong, isa sa founders at pinaka-matagal na chairman ng CCP, na hindi siya gaano nag-aral ng ideyolohiya. Imbes na sa proletaryo, umasa siya sa mga magbubukid para magapi ng People’s Liberation Army ang mga Hapon at Kuomintang. Nakamit niya ang poder nu’ng 1949 aniya sa pamamagitan ng sandata at propa­ganda.

Madugong pinuno si Mao. Halos 45 milyon ang namatay sa gutom sa kanyang sapilitang sosyalismo nu’ng de­­kada-’50 at 12 milyon nu’ng Cultural Revolution sa dekada-’60. Nag­hirap ang mamamayan. Inagaw pa ang Tibet na bukal ng walong malalaking ilog sa Asya.

Malupit din si Deng Xiaoping. Milyun-milyon din ang pinatay sa protesta sa Tiananmen Square, 1989, at pinalayas sa tirahan para sa Three Gorges Dam, 1994. Pero umunlad ang ekonomiya at teknolohiya.

Mula 2013 idinagdag ni Xi Jinping ang sariling kaisipan sa Mao Zedong at Deng Xiaoping Thoughts. Dinurog ang mga protesta sa Xinjiang, Hong Kong at Inner Mongolia. Sinakal niya ng dams ang mga ilog na patungong India, Bhutan, Nepal, Vietnam, Cambodia, Thailand at Myanmar. Inagaw niya ang mga bahura at yamang dagat ng Pili­pinas, Vietnam, Malaysia, Brunei, Indonesia, Taiwan, at Japan. Nagpapanakaw siya ng isda hanggang Pacific, Indian, Atlantic at Antarctic Oceans. At inaangkin niya ang likas yaman ng mahihirap na bansa na hindi maka­bayad sa mga tiwaling pautang niya, tulad ng Ecuador, Sri Lanka, Djibouti, atbp. Dagdag sa sandata at propaganda, sa pamamagitan ng yaman nagkokolonya ang CCP.

Nu’ng 1921 Russia ang nagkakalat ng komunismo. Ngayong 2021 ikinakalat ni Xi Jinping ang “Chinese-style communism” niya.

CHINESE COMMUNIST PARTY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with