13 pinaka-maruruming lugar saan mang bansa
Walang awtor sa kumakalat na babalang ito sa online. Pero kapani-paniwala dahil sa sentido-komon. Mabuti nang mag-ingat sa dumi:
1. Swimming pools, lalo na ang mga pambata. Sinasabing 70% ng mga ito ay may nakasasama at nakamamatay na E-coli bacteria.
2. Menu booklet sa restoran. Nanggigitata ito sa kapabayaan ng manager. Kung marumi ito, asahan na marumi rin ang kusina.
3. Mga lemon sa bunganga ng baso ng cocktails. Kadiri ang paghihiwa at paglalagak nito sa mangkok.
4. Gripo sa mga paaralan. Mabuti pa ang mga kubeta dahil nililinis araw-araw. Ang mga gripo bihirang masabon at iskoba.
5. Exit door ng kubeta. Sa saliksik, isa sa tatlong lalaki at dalawa sa tatlong babae ay hindi naghuhugas ng kamay matapos dumumi. Kaya paghawak sa doorknob palabas ng public toilets ay may nagkakalat ng....
6. Shopping carts sa supermarket. Kung sinu-sinong bata ang iniupo ru’n. Walang kontrol ang bata sa pag-utot at pagdumi.
7. Buton sa elevator at hawakan sa escalator. Muli mas malimit linisin ang mga kubeta kaysa mga ito – lalo sa mga lumang gusali.
8. Kuwarto sa otel. Lalo na ang TV, aircon, fridge, at remote controls.
9. Kiddie pool. Nakah! – muli mas marumi ito kaysa inidoro.
10. Kagamitan sa gym. Pawis, sipon, laway, libag, at kung anu-ano ang tumatalsik sa mga ito. Madalang mapahiran ng disinfectants.
11. Mobile phones. Sa saliksik, 40 klase ng viruses ang nakadikit sa cell phones. Pero nakakaligtaan itong linisin, maliban kung mabaho na.
12. Gasolinahan. Kung saan-saan galing ang mga tao at sasakyan na humihinto roon. Hindi alam kung ano ang nasagasaan o sakit nila.
13. Perang papel. Ito ang pinaka-maruming bagay saan man sa mundo. Kung saan-saan ginagamit at sinisiksik. Pugad ng mikrobyo.
* * *
Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).
- Latest