Ilan ang ninuno natin? Saan na tayo sa mundo?
Para isilang tayo, kinailangan ng 2 magulang, 4 na lolo’t lola, 8 lolo’t lola sa tuhod, 16 pa sa 2nd degree, 32 sa 3rd degree, 64 sa 4th, 128 sa 5th, 256 sa 6th, 512 sa 7th, 1,024 sa 8th, 2,048 sa 9th degree ng lolo’t lola.
Ipinanganak tayo mula sa labindalawang henerasyon, 4,096 na ninuno, sa nakalipas na 400 na taon.
Isipin natin: Gaanong hirap, pakikibaka, sakuna, lungkot -- ligaya, pag-ibig, pag-asa, tagumpay -- para tayo magkabuhay. Pinagpala tayo.
Mahigit 7 bilyon ang tao ngayon. Para madaling magagap ang statistics, ipagpalagay na 100 tayo. Sa 100:
• 11 ay nasa Europe, 5 ay nasa North America, 9 sa South America, 15 sa Africa, 60 sa Asia;
• 49 ang nakatira sa nayon, 51 sa lungsod;
• 12 ang nagsasalita ng Chinese, 5 ng Spanish, 5 ng English, 3 ng Arabic, 3 ng Hindi, 3 ng Bengali, 3 ng Portuguese, 2 ng Russian, 2 ng Japanese, at 62 ng kani-kanilang wika;
• 77 ay may sariling bahay, 23 ay walang matirhan;
• 21 ay overweight, 63 nakakakain ng sapat, 15 kulang sa timbang, at 1 ay hindi na aabot sa susunod na kainan;
• Nabubuhay ang 48 sa $2 (P100) kada araw; 87 ay walang malinis na inumin, 13 nakakainom pero marumi ang pinanggalingan;
• 75 lang ang may mobile phone; 30 lang may internet;
• 7 ang may college degree, 93 ang ‘di nakatuntong ng kolehiyo;
• 83 ay nakakabasa, 17 ay mangmang;
• 33 ay Christian, 22 Muslim, 14 Hindu, 7 Buddhists, 12 ibang relihiyon, 12 walang relihiyon;
• 26 ay ‘di aabot nang 14 taon, 66 mamamatay sa pagitan ng 15-64 taon, 8 ay lalampas nang 65.
(Paghanga sa sumaliksik at umakda nito sa orihinal na Ingles. Pinasimple niya ang mga kumplikadong numero at estadistika.)
- Latest