^

PSN Opinyon

Samal Island daming resorts walang kuryente

DURIAN SHAKE - Edith Regalado - Pilipino Star Ngayon

Kung beach at maging island resorts ang pag-usapan  totoong marami sa Island Garden City of Samal o mas kilala sa pangalan na Samal Island na dinarayo ng libu-libong domestic at maging foreign tourists.

Kaya nga naging isa sa mga leading tourist destinations ang Samal Island pag ang pag-usapan ay Southern Mindanao o Davao City man lang.

May mahigit 500 beach resorts ang nasa Samal Island kasali na ang mga world-renowned resorts gaya ng Pearl Farm at Ocean View at Secdea.

Ngayon ang kawalan ng sapat na supply ng kuryente ang pangunahing problema na matagal nang tinitiis ng mga taga-Samal Island.

Pati nga signal ng internet hindi mapagkatiwalaan dahil mahina ang signal sa Samal Island.

Hindi lang ang mga resorts ang may problema sa supply ng kuryente na parating may brownout araw-araw ngunit lalo na ang mga kawawang residente na nasanay na rin sa brownout at mahinang kuryente na ang nag-susupply ay ang Davao del Norte Cooperative (DANECO).

Ang balita ko ngayon, may petition yata ang local go-vernment unit at ang mga may-ari ng resorts ng Samal Island na kung pupuwedeng pumasok na ang Davao Light and Power Company na power utility ng mainland Davao City.

Kasi nga kung tutuusin ay hindi nga aabot sa ilang minuto ang pagtawid sa pagitan ng Davao City at Samal Island.

Panahon na upang mabigyang pansin ang problema sa supply ng kuryente sa Samal Island para naman sa ikabubuti ng lahat maging sa mga resort owners at mga residente mismo sa islang kasing laki ng Singapore.

SAMAL ISLAND

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with